Silipin ang napakagandang modern House na ipinatayo ni Yassi Pressman sa Canada

Lahat tayo nangangarap at nag-aasam na magkaroon ng mga bagay na pagmamay-ari natin. Kung saan ay naipundar natin mula sa pagtitiyaga at pagsusumikap natin sa buhay. Bawat isa ay nangangarap na makapagpagawa at magkaroon ng isang tahanan.

Photo Courtesy: Yassi Pressman | Instagram




Kaya naman ay hindi natin alintana ang hirap at pasakit na ating gagawin upang maabot ang ating mga pangarap at inaasam sa buhay. Isa na rito ang kilala at sikat na aktres na si Yassi Pressman. Siya ay hindi lamang isang modelo, siya rin ay isang aktres, mang-aawit at mananayaw.


Photo Courtesy: Yassi Pressman | Instagram

Marami nang ginampanang role sa telebisyon ngunit mas nakilala at minahal ng lahat nang gampanan niya ang kaniyang role bilang si Alyana Arevalo sa nangungunang primetime series sa telebisyon na “FPJ’s Ang Probinsiyano”. Sa kabila ng kaniyang kasikatan at sunod-sunod na karera sa mundo ng showbiz ay talagang kaniyang pinahalagahan ang kaniyang mga kinikita sa bawat proyekto.


Photo Courtesy: Yassi Pressman | Instagram

Kaya naman, upang hindi masayang ang kaniyang pinaghirapan, at dahil na rin sa kaniyang pagiging magaling sa paghawak ng kaniyang kinikita ay nakapagpatayo o nakapagpundar siya ng sariling tahanan sa bansang Canada.


Photo Courtesy: Yassi Pressman | Instagram


Photo Courtesy: Yassi Pressman | Instagram




Ang nasabing tahanan ay matatagpuan sa Lake Scugog sa Ontario, Canada. Kaya naman ay hindi na ito nahihirapan sa paghahanap ng matutuluyan dahil may sarili na itong bahay bakasyunan sakaling magbabakasyon siya sa nasabing bansa.


Photo Courtesy: Yassi Pressman | Instagram


Photo Courtesy: Yassi Pressman | Instagram

Kaya naman ay ipinagmamalaking ipinasilip ng aktres sa kaniyang social media account kung gaano kaganda ang pinaghirapan at naipundar niyang tahanan. Batay sa mga ipinakitang larawan ay masasabi mong malinis at maaliwalas ang loob ng bahay. Sapagkat ang kulay ng nasabing tahanan ay beige, brown at white.


Photo Courtesy: Yassi Pressman | Instagram


Photo Courtesy: Yassi Pressman | Instagram

Makikita ang napakagandang dining area na may 6-seater wooden dining table. Hindi rin maikakaila ang napakagandang disenyo ng kitchen area dahil sa pagkakaroon nito ng kitchen nook. Hindi din naman mawawala ang game room area na magsisilbing libangan ng kaniyang mga pamilya at mahal sa buhay sakaling magawi ang mga ito doon.


Photo Courtesy: Yassi Pressman | Instagram


Photo Courtesy: Yassi Pressman | Instagram

Dahil dito ay marami ang nakapansin at humanga sa magandang bahay at maging ang lugar kung saan ito nakatayo ay talaga namang magbibigay ng kaginhawaan, dahil maliban sa lakefront view nito ay masisilayan mo rin ang paglubog ng araw.




Leave a Reply

Your email address will not be published.