Ibinahagi ni Zsa Zsa Padilla ang Dolphyville Estates na pagtatayuan ng museo ni Comedy King Dolphy. Marami na tayong nakilalang komedyante, ngunit may tanging nag-iisang taong tumatak sa ating mga puso. Siya ay si Rodolfo Quizon o mas kilala ng lahat bilang si Dolphy, dahil sa kaniyang angking galing sa pagpapatawa at husay bilang isang aktor ay kinilala at tinagurian siyang “Hari ng Komedya”.
Photo Courtesy: Zsa-Zsa Padilla | Youtube
Kaya naman, lahat ng kaniyang mga pelikula at teleserye ay sinubaybayan at tinangkilik ng masang Pilipino. Sa bawat role na kaniyang ginagampanan ay talaga namang mapapatawa niya tayo at mapapaiyak.
Photo Courtesy: Zsa-Zsa Padilla | Youtube
Ngunit dumating ang panahon na kung saan nilisan niya ang mundo ng showbiz at mamaalam sa kaniyang mga kaibigan at pamilya ay hindi mawawala sa mga puso nito ang sayang kaniyang ibinahagi sa bawat Pilipino.
Photo Courtesy: Zsa-Zsa Padilla | Youtube
Bilang ala-ala sa Hari ng Komedya, ay ipinasilip ng kaniyang asawang si Zsa-Zsa Padilla ang itatayong museo nito na matatagpuan sa Brgy. Talisay, Calatagan sa Batangas. Kung ating matatandaan ay ipinakita at ibinahagi ni Zsa Zsa sa kaniyang mga manunuod ang Dolphyville Estates, kasama ang mga anak ni Dolphy na sina Epy Quizon at Zia na ayon kay Zsa Zsa ay nabili ang Dolphyville Estates noong magkarelasyon pa lamang sila.
Photo Courtesy: Zsa-Zsa Padilla | Youtube
Ayon sa sikat na singer na si Zsa Zsa ay naalala niya pa ang halaga ng nasabing Estates na kung ikukumpara ngayon ay malaki na ang magiging halaga nito.
Photo Courtesy: Zsa-Zsa Padilla | Youtube
Dagdag pa ni Zsa Zsa ang kabuuang espasyo ng nasabing Dolphyville Estates ay mahigit kumulang 14 ektarya ang laki at lawak na kung saan ay dating Mango Farm ng pamilya Quizon na ngayon ay gagawin na nilang isang resort type hotel na parang museum kung iyong titingnan at papangalanan nilang Dolphyville Manor.
Photo Courtesy: Zsa-Zsa Padilla | Youtube
Photo Courtesy: Zsa-Zsa Padilla | Youtube
Papatayuan nila ito ng museum na magsisilbing ala-ala kay Dolphy mula nang ito ay makilala sa mundo ng showbiz at minahal ng masang Pilipino. Ibinahagi rin ni Zsa Zsa na kung papangalanan ang mga kalye dito ay pinaplano nila na isunod sa mga pangalan ng anak ni Dolphy.
Photo Courtesy: Zsa-Zsa Padilla | Instagram
Ngunit ayon naman kay Epy ay ipapangalan nila ito base sa mga naging karakter ng kanilang ama sa mga pelikula at maging sa TV shows na ginampanan nito ngunit ang pinakamain road nito ay ipapangalan nila sa kanilang ama.