Ito ang napakarelaxing na beach resort ng napakagandang aktres na si Sophie Albert

Bilang mga tagahanga ay talaga namang sinusubaybayan natin ang bawat galaw ng mga iniidolo natin, maging ito man ay ang personal nilang buhay o ang kanilang mga naipundar at naipatayo na mga ari-arian tulad ng mga magagandang bahay, sasakyan at maging ang pagkakaroon nila ng isang beach house.

Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube





Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube

Dahil sa kinakaharap ng bawat tao ngayon ay kailangan nating magbakasyon upang makapagrelax at maipahinga ang isipan dahil na rin sa dami ng ating ginagawang trabaho. Ang iba naman ay upang magawa o mapuntahan ang nasa bucket list nila.


Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube

Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube

Katulad na lamang ng magkasintahang sina Sophie Albert at Vin Abrenica na kanilang ibinahagi ang naipundar na beach house na matatagpuan sa Batangas at naisipang dito magbakasyon.


Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube


Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube

Makikita sa kanilang bagong vlog na mapapanood sa kanilang YouTube channel, ay ipinasilip ng magkasintahan ang nasabing beach house kung saan masayang nagbabakasyon ang kanilang pamilya.


Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube





Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube

Saad ni Sophie, noong unang ginawa ang beach house ay Linggo-linggo silang namamasyal dito, ngunit nang maging busy na at dahil na rin sa pandemya ay madalang na silang pumunta rito.


Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube

Mapapanuod sa unang bahagi palang ng kanilang vlog ay ipinasilip na ng magkasintahan ang kabuoan ng kanilang beach house at makikita rin dito ang magaganda at maaliwas na tanawin at isa rito ang Matuod Beach.


Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube

Paglalarawan pa ni Sophie na ang nasabing beach house ay mataas kung iyong tatalunin mula sa palapag pababa sa baybayin. Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unting tumaas ang buhangin na kung saan ay madali kanang makaakyat sa bahay.


Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube

Dagdag pa ni Sophie para sa kaniya, hinango ang pangalang Matuod Beach, sa kadahilang kahit gaano pa kalayo ang iyong marating mananatiling hanggang tuhod lang ang lalim ng tubig nito. Para sa magkasintahang Sophie at Vin ay napaka-memorable ng beach house sa kanilang dalawa, dahil dito nag-propose si Vin kay Sophie.


Photo Courtesy: Sophie Albert & Vin Abrenica | Youtube

Saad pa ni Sophie na tinawag ng kaniyang ina na Balai Hilom ang beach house, na ang ibig sabihin ay “healing house”. Para kay Sophie, ang pinakanagugustuhan niyang spot sa lugar na iyon ay ang Cabana kung saan ay nagtitipon sila at masayang nagkwekwentuhan at sa gabi ay masaya nilang pinagmamasdan ang kagandahan nang kalangitan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.