Ibinahagi ng aktor na si Rocco Nacino ang pagpapalagay niya ng Solar Panel sa kanyang napakagandang bahay. Maliban sa taong mahal natin na siyang nagpapabilis nang pagtibok ng ating mga puso ay nariyan rin ang pagsapit ng katapusan ng bawat buwan, Bakit?
Photo Courtesy: Rocco Nacino | Youtube
Dahil sa tuwing matatapos ang buwan kasabay nito ang paparating na mga bayarin o bills na kung saan bago pa man natin matanggap ang ating mga sweldo ay mas malaking halaga nito ang nakalaan para sa mga paparating nating mga bayarin.
Photo Courtesy: Rocco Nacino | Youtube
Photo Courtesy: Rocco Nacino | Youtube
Isa na rito ang nagungunang hinaing ng lahat ng tao at ito ay ang electric bills. Ngunit, ika nga nila ang lahat ng problema ay may solusyon. Kabilang na rito ang kilalang artista na si Rocco Nacino na sa halip na mapunta kung saan ang pinaghirapang pera ay mas pinili nitong mag-invest sa isang bagay na alam niyang sa huli ay magbibigay sa kaniya ng kaginhawaan.
Photo Courtesy: Rocco Nacino | Youtube
Photo Courtesy: Rocco Nacino | Youtube
Isa lamang si Rocco sa mga kilalang artista na nakapagpatayo na nang isang magandang 3-storey house na matatagpuan sa Antipolo City dahil sa kayang dedikasyon, sipag at tiyaga sa pagtatrabaho.
Photo Courtesy: Rocco Nacino | Youtube
Mapapanuod ang panibagong vlog ni Rocco sa kaniyang YouTube Channel na kung saan ay talagang makikita ang kaniyang labis na tuwa at kagalakan dahil sa wakas ay maisasakatuparan na rin ang kaniyang pangarap na magkaroon ng bahay na may solar panels.
Photo Courtesy: Rocco Nacino | Youtube
Sa panimula pa lang ng kaniyang vlog ay kaniya nang ibinahagi ang naging pangyayari sa pagpapalagay niya ng solar panels sa kaniyang tahanan. Ayon sa aktor ay isa ito sa kaniyang mga good and long-term investment.
Photo Courtesy: Rocco Nacino | Instagram
Dagdag pa ng aktor na para sa kaniya ay nais niyang ibahagi sa mga tao na kailangan nating maging parte at makatulong sa pangangalaga sa ating Inang Kalikasan ganun na rin sa pagkakaroon ng hindi paggastos o pagbayad ng malaki sa ating mga electric bills.
Photo Courtesy: Rocco Nacino | Instagram
Ang bilang ng solar panels na ipinalagay ni Rocco sa kaniyang tahanan ay 13 sa tulong ng German Solar Panel Company.