Ito ang munting pasilip sa bahay ni Ryzza Mae Dizon na kaniyang kasalukuyan na ipinapatayo sa Pampanga

Sabi nga nila, walang imposible sa taong matiyaga, may determinasyon at pangarap sa buhay.
Ito ay pinatunayan ng former child star na si Ryzza Mae Dizon na sa kaniyang murang edad ay nakitaan na agad ng kasipagan at determinasyon sa kaniyang trabaho.


Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon | Youtube




Kung ating matatandaan ay anim na taon lamang si Ryzza Mae ng tanghalin siyang “Little Miss Philippines” ng longest running noon time show ng Kapuso Network na Eat Bulaga. Pagkatapos nito ay minahal at kinilala ng lahat bilang si Aling Maliit at naging parte bilang isa sa mga pinakabatang host ng nasabing programa.


Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon | Youtube


Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon | Youtube

Sa murang edad ay maaga nang namulat sa reyalidad at hamon ng buhay si Ryzza. Kaya naman ay ginamit niya ang kaniyang husay at talento upang maisakatuparan ang lahat ng kaniyang mga pangarap, hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para na rin sa kaniyang mga mahal sa buhay. Sa ngayon ay paunti-unti niya na itong nabibigyan ng kulay.


Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon | Youtube


Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon | Youtube

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Ryzza Mae sa kaniyang Instagram Account ang update sa ipinapagawa niyang dream house. Ayon kay Ryzza, nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil sinisimulan nang gawin ang kanilang dream house. Dahil sa dalang kasiyahan ng mga pangyayari ay nagawa niya itong e-vlog.


Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon | Youtube





Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon | Youtube

Mapapanuod sa kaniyang pinakabagong vlog ang pagpunta mismo ng kanilang pamilya sa lugar kung saan itinatayo ang kanilang bahay. Makikita na mayroon itong dalawang palapag at matatagpuan ito sa Pampanga. Hindi lang ang ganda ng bahay ni Ryzza ang makikita mo rito dahil tanaw mo rin ang ganda ng Mount Arayat.


Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon | Instagram


Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon | Instagram

Hindi man agad nakamit ni Ryzza ang kaniyang mga pangarap, ganun pa man ay taos puso siyang nagpapasalamat sa Panginoon sa mga biyayang kaniyang natatanggap at ipinagkakaloob sa kanilang pamilya.


Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon | Instagram


Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon | Instagram

Dahil dito ay maraming mga celebrities ang nagbigay at nagpaabot ng kanilang suporta at paghanga kay Ryzza Mae. Unani din ito ng isang katerbang positibong reaksyon mula sa mga tagahanga ni Ryzza Mae.




Leave a Reply

Your email address will not be published.