Ito ang bagong Farm Tractor ni Bea Alonzo na tutulong upang mas mapadali ang mga trabaho sa kaniyang farm

Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang tagumpay sa buhay. Kung may sipag at tiyaga siguradong aasenso ka sa buhay. Kung patuloy kang lumalaban sa hamon ng buhay kahit alam mong may kaya kana, siguradong mas maraming oportunidad ang iyong makakamit.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram




Tulad nalang nga ng ating mga iniidolo na personalidad sa show business na kahit alam nating may kaya na sila ay hindi sila tumitigil sa pagiging artista lamang. Ang iba nga gumagawa ng kani-kaniyang mga Negosyo at iba pang pagkakakitaan.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube

Ang ating iniidolo na si Bea Alonzo ang isa nga sa magandang halimbawa nito. Kamakailan lang nga ay ibinahagi ng aktres ang kaniyang bagong traktora na ginagamit sa kaniyang farm. Ang pagkakaroon nga ng isang farm at lupain sa bukid ay masasabi nating pinakamagandang investment na ating magagawa.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube




Sa nasabing farm ay makikita mo ang iba’t ibang uri ng mga pananim na gulay at prutas. Kahit alam natin na namamayagpag ang kaniyang karera bilang isang aktres ay hindi pa rin siya tumitigil dito at hands-on pa sa kanilang farm.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube

Ayon pa nga sa aktres na gusting-gusto niya ang bumalik sa kanilang farm na nakabase sa Zambales dahil daw sa daming mga project nila dito. Dagdag pa niya na working-in-progress daw ang kanilang farm. Bukod sa pagiging aktres ay tutok din siya sa kanilang farm na mayroon iba’t ibang uri ng mga pananim at siya mismo ang nag-aani nito.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube

Ibinahagi niya rin ang kanilang bagong traktora na magandang investment nga raw sa katulad niyang isang nagmamay-ari ng isang farm. Maganda raw ang pagkakaroon nito sapagkat magagamit ito sa araw-araw na gawain nila sa kanilang farm.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube

Sinabi niya rin na maganda nga raw ang buhay probinsya. Dahil kung marunong kang magtanim ay siguradong hindi ka magugutom. Sang-ayon naman tayo sa sinabi niyang iyon dagdag pa ang malinis na hangin at tahimik na kapaligiran kapag ikaw ay nasa probinsiya.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *