Ibinahagi ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang Classic Design Rental House

Bawat isa sa atin ay nangangarap na magkaroon ng kani-kaniyang tahanan. Lalo na kung tayo ay mayroon nang sariling pamilya. Ngunit hindi ito basta-basta makakamit, dahil kinakailangan natin ng sipag, tiyaga, at pananalig sa diyos upang makamtan ang bagay na ito.

Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube

Katulad nalang nga ng nagsisimulang pamilya nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na kamakailan lang ikinasal. Nakaraan nga ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang rental home na kanilang pansamantalang tinutuluyan ngayon habang pinapa-renovate nila ang kanilang dream house.


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube

Kung makikita nga sa kanilang vlog makikita na nagsimula sila sa kanilang front door na napakalaki. Pagpasok mo pa lang sa kanilang pinto makikita mo agad ang magarbong disenyo ng kanilang rental home. Makikita mo rin ang kanilang foyer at hagdan na magtutungo sayo sa kanilang ikalawang palapag ng bahay.


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube

Ipinakita rin ng mag-asawa ang kanilang sala o living room kung saan makikita ang isang mamahaling kulay puti na sofa at ang kanilang flat TV screen para sa mga gustong manood at magrelax.

Kapansin-pansin din ang painting na gawa pa ng mga sikat na pintor tulad nina Elmer Borlongan, Geraldine Javier, at Ramon Orlina kung saan sila ang paboritong pintor ni Luis Manzano.


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube





Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube

Ipinasilip rin nila ang kanilang dining area at kitchen na masasabi mong napakasarap magluto rito. Pag-akyat mo naman sa kanilang ikalawang palapag ay matatagpuan po ang isa pang living room para sa mga gustong mag-chill at makipagkwentuhan.


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube

Ang kanilang rental home ay mayroong apat na kuwarto. Isang master’s bedroom, guest room, cloffice o iyong pinagsamang closet at office, at ang isa ay ginawa nilang storage room. Ang disenyo ng kanilang tahanan ay gawa mismo ng aktres na si Megan.


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Youtube

Sabi pa ni Jessy na noong una daw ay nahirapan sila sa kung papaano nila madidisenyo ang loob ng bahay. Buti na lang daw at magaling ang kaniyang kapatid at nagawan niya ng paraan pati na rin ang kanilang mga lumang kagamitan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.