Ipinasilip ni Andrea Del Rosario ang kanilang Beach House na matatagpuan sa Calatagan

Dahil sa sipag at tiyaga, kadamihan sa ating mga hinahangaan sa mundo ng show business ay nagkaroon at nakapagpundar ng kani-kanilang mga ari-arian. Dahil na rin nga sa kanilang husay sa pag-arte kaya nila nakamit ang kani-kanilang mga tagumpay ngayon.

Photo Courtesy: Andrea Del Rosario | Youtube




Isa nga sa masasabi mong matagumpay na personalidad sa mundo ng show business ay ang aktres na si Andrea Del Rosario. Sa kaniyang taglay na ganda at hubog ng kaniyang katawan ay madaming kalalakihan ang nahumaling sa kaniya.


Photo Courtesy: Andrea Del Rosario | Youtube

Hanggang nga sa mawala siya sa mundo ng pelikula, hindi naman nagsara ang oportunidad sa kaniyang buhay at naging Vice Mayor pa ng Calatagan, Batangas. Ngayon nga ay mayroon siyang YT Channel ang nag ba-vlog para sa kaniyang mga tagahanga.


Photo Courtesy: Andrea Del Rosario | Youtube

Kamakailan nga ay ibinahagi niya sa kaniyang vlog ang kaniyang nakapaganda at napakalawak na bahay bakasyunan na sa lawak nga ay masasabi mong parang isang Hacienda. Ang nasabing bahay bakasyunan nga ay nasa probinsya ng Batangas.


Photo Courtesy: Andrea Del Rosario | Youtube

Ang beach nga na ito ay isang Asian inspired na tema na ipinakita niya sa kaniyang mga tagahanga. Ayon pa sa aktres na mayroon itong limang kuwarto na mayroong magandang view. Makikita mo pa nga raw dito ang napakagandang tanawin sa karagatan.


Photo Courtesy: Andrea Del Rosario | Youtube




Binansagan naman nila itong “Beata” kung saan ay hango sa pangalan ng kaniyang panganay na anak na si Beatrice na nangangahulugang “Blessed”. Kung makikita mo nga ang nasabing vlog ni Andrea ipinakita niya rito ang kabuo-an ng kanilang bakasyunan.


Photo Courtesy: Andrea Del Rosario | Youtube

Ipinakita rito na bago pumasok sa kanilang bakasyunan, bubungad sayo ang outdoor place na siya ring kinakainan at hangout space ng pamilya o mga kaibigan. Bago marating ang kanilang tahanan ay makikita mo ang berdeng lugar na siya ring kanilang harden.


Photo Courtesy: Andrea Del Rosario | Youtube

Kapag ikaw nga ay nasa loob na mapapansin mo ang tela Earth-toned na tema magmula sa kulay ng paligid at mga kagamitan sa loob. Hindi rin mawawala ang mga antique na mga kagamitan na mismong si Andrea ang pumili at bumili.


Photo Courtesy: Andrea Del Rosario | Youtube


Photo Courtesy: Andrea Del Rosario | Instagram

Bago pa nga raw sila pumunta sa kanilang bahay bakasyunan ay dadaan muna sila sa mga antique stores para bumili ng mga kagamitan. Sa kanilang master’s bedroom naman ay makikita mo ang Thai-Indonesian na tema na matagal nang gusto ni Andrea.




Leave a Reply

Your email address will not be published.