Ito ang napakagandang Van ni Bea Alonzo na mayroong sariling shower at toilet

Marami na tayong nasubaybayan na iba’t-ibang mga kagamitan na masayang ibinahagi ng ating mga paboritong artista. Sa bawat pagbahagi na ito ay napahahanga tayo dahil sa mga taglay nitong perks na malaking tulong sa mga artista.

Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram




Hindi din naman biro ang kanilang ginastos upang maipundar ang mga kagamitan na ito. Tulad na lamang ng kanilang mga van na kung saan nandoon na ang lahat ng kanilang kailangan.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram

Ang mga van na ito ay nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga artista sa tuwing may proyekto sila sa malalayong lugar. Kung kaya madami sila pinapalagay at pinapabago upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Isa na dito ang kilalang aktres na si Bea Alonzo na masayang ibinahagi ang van na may kamangha-manghang katangian.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram

Sa vlog ng aktres ay ibinahagi niya na ito ang unang pagkakataon na bumili at nagpa customized siya ng van upang magamit sa kanyang trabaho. Sa loob nang 20 taon ay ngayon lamang niya naranasan na magkaroon ng artista van dahil sa tingin niya noon ay hindi niya ito kailangan.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram

Ngunit nareyalisa niya sa huli na hindi na lamang ito isang ”wants” kundi isang “necessity” na sa kanyang trabaho. Lalo na umano ngayon na hindi pa din natatapos ang banta ng sakit na lumalaganap sa buong mundo.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram




Ang van na ito ay isang customized ford transit na kung saan pagpasok mo pa lamang sa pinto ay bubungad na agad sa iyo ang isang utility box na may lamang sanitary items. Maliban sa sanitary items na nasa utility box ay isa ding voice automated ang van ng actress sa pamamagitan ni ALEXA.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram

Mayroon din itong tinatawag na captain chair na kung saan samut-sari ang kayang gawin upang mabigyan kaginhawaan ang taong uupo dito. Naglalaman din ang van ng isang microwave oven na kung saan pwede mag init ang aktres ng anumang pagkain na gustuhin niya.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram

Ngunit sino ang mag aakala na ang sasakyan na ito ng aktres ay mayroon din sariling CR na may shower at toilet. Marami sa mga netizens ang namangha sa ganda ng van ni Bea at talaga naman magbibigay ito ng malaking kaginhawaan sa aktres sa tuwing may trabaho siya sa malayong lugar.




Leave a Reply

Your email address will not be published.