Kinaaliwan ng mga netizens ang lumang litrato ng komedyanteng si Pooh noong siya ay teenager

Isa sa ating mga inaabangan sa buhay nang ating mga paboritong artista ay ang pag post nila ng kanilang mga lumang litrato. Sa ganoong paraan ay nakikita natin kung sino sila at kung ano ang kanilang mukha bago pa man sila makilala sa mundo ng showbiz.


Photo Courtesy: Pooh | Instagram




Marami sa atin ang humanga at bumilib sa ating mga iniidolo sa tuwing magbabahagi sila ng kanilang mga nakaraan at ang iba naman ay napagkakatuwaan dahil sa kanilang mga pabirong kapsyon. Isa na dito ang kilalang komedyante na nagbahagi ng kanyang lumang litrato na nagbigay ng saya sa mga netizens na nakakita nito.


Photo Courtesy: Pooh | Instagram

Hindi na iba sa atin ang komedyante na si Jay Patrick Roquero o mas kilala sa pangalan na Pooh. Siya lang naman ay isa sa mga komedyante na nagpatawa sa atin ng lubos at nagbigay ng walang hanggang kasiyahan sa tuwing makikita natin siya sa entablado o programa sa telebisyon.


Photo Courtesy: Pooh | Instagram

Magaling din si Pooh bilang isang impersonator ng iba’t ibang kilalang personalidad sa Pilipinas tulad na lamang ni Boxing Champ at kasalukuyang senador na si Manny Pacquaio.




Mas nakilala pa ang aktor at komedyante ng siya ay maisali sa comedy program na banana split at nakasama niya dito ang iba din mahuhusay na artista at komedyante. Tulad nina John Prats, Jayson Gainza, Angelica Panganiban at marami pang iba.


Photo Courtesy: Pooh | Instagram

Sa kabila ng kanyang husay sa pagpapatawa ay nakadagdag din ang kanyang pisikal na anyo lalo na ang pagkawala niya ng buhok upang mas tumatak siya sa puso ng mga manunuod.

Sa isang post na ibinahagi ng komedyante sa kanyang social media ay marami ang napanganga nang makita nila sa unang pagkakataon na malago ang buhok ng komedyante. Kasabay nang lumang litrato na ito ang maiksing kapsyon na nagtatanong kung sino umano sa mga netizens ang nagsasabi na panot siya.


Photo Courtesy: Pooh | Instagram

Marami ang natawa sa nakakaaliw na post na ito ni Pooh at umani din ng samut saring komento mula sa mga netizens pati na din sa kapwa artista. Tulad na lamang ni Kaye Abad na nagsabi na ang kapal pala noon ng buhok ni Pooh at sabay tanong na kung nasaan umano ito napunta ngayon.

Photo Courtesy: Pooh | Instagram

Mayroon din nagsabi na kahawig umano talaga niya ang senador at pambansang kamao na si Manny Pacquiao noong may buhok pa umano ito.




Leave a Reply

Your email address will not be published.