Ibinahagi ni Karla Estrada ang kaniyang angking galing at talento noon sa paglalaro ng Billiards

Huwag tayo manghusga ng kahit sino pa man na tao sa ating paligid lalo na hindi pa natin sila nakikilala ng lubos. Dahil baka mamaya may silang itinatago isang kaalaman na talaga naman mapapahanga at mapapanganga ka sa kanilang mga achievements.


Photo Courtesy: Karla Estrada | Instagram




Ito ay pinatunayan na din ng iba’t ibang artista nang malaman natin na hindi lamang pala sa pag-arte, pag-sayaw, pagkanta at iba pa umiikot ang kanilang talento. Dahil mayroon din silang hidden talent na nakakagulat kapag nalaman mo. Tulad na lamang ng isa sa magaling na artista, singer at host na si Karla Estrada.


Photo Courtesy: Karla Estrada | Instagram


Photo Courtesy: Karla Estrada | Instagram

Marami ang nahumaling noon at magpahanggang ngayon sa kagandahang taglay ni Karla Estrada. Maliban dito ay nakitaan din siya ng walang kupas na galing sa larangan ng showbiz na lalong nagbigay ng ningning sa kanyang career. Ngunit hindi alam ng iba na maliban sa pag-arte ay isa din palang magaling na manlalaro ng billiards ang nasabing aktres.


Photo Courtesy: Karla Estrada | Instagram

Ibinahagi niya ang kanyang buhay noon bago pa man siya nakilala sa mundo ng showbiz at ito ay ang pagiging billiard player. Bilang isang manlalaro ay marami umanong sakripisyo ang kanyang pinagdaanan upang makilala sa larangan na ito.


Photo Courtesy: Karla Estrada | Instagram




Isang katutak umano na training at paglahok sa mga naglalakihang tournament ang kailangan umano niya gawin upang ipakilala sa buong mundo ang husay ng pinoy sa larangan ng Billiards.


Photo Courtesy: Karla Estrada | Instagram

Dahil sa galing ng aktres na si Karla ay nagwagi siya sa Women’s Division noon sa Billiards at kasama niya dito sa patimpalak ang legendary Billiard player na si Efren “Bata” Reyes.


Photo Courtesy: Karla Estrada | Instagram

Nalaman ito ng mga netizens nang magbahagi siya ng litrato na kung saan may hawak ang aktres na award at sa tabi niya si Efren “Bata” Reyes. Dagdag ng aktres na lumipas man ang maraming panahon ay nananatili pa din ang kanyang husay sa paglalaro ng billiards.


Photo Courtesy: Karla Estrada | Instagram

Maliban sa lumang litrato na ito ay makikita din ang isang kasalukuyang litrato na kung saan naglalaro siya ng billiards kasama ang iilan niyang kaibigan. Dekada man ang lumipas ngunit ang talento niya sa paglalaro ay hindi kumukupas. Marami sa mga netizens ang humanga sa talento na ito ng aktres at umani ito ng isang katerbang positibong komento nang pagpupuri.




Leave a Reply

Your email address will not be published.