Ipinakita ni Andi Eigenmann ang ilan sa mga pagbabago sa kanilang pinapagawang bahay sa Siargao

Maliit man na magandang pangyayari sa ating buhay ay dapat natin ipagpugay at ipagpasalamat. Dahil ang mga maliit na bagay na ito ay isang senyales na mayroon tayong nararating sa ating malalaking pangarap. Nakakataba ng puso na pagmasdan ang mga maliit na tagumpay na ito dahil nakakapagbigay ng inspirasyon sa atin at sa ibang tao na nangangarap din.


Photo Courtesy: Andi Eigenmann | Youtube





Photo Courtesy: Andi Eigenmann | Youtube

Tulad na lamang nang hinahangaan natin na aktres na si Andi Eigenmann na ipinakita ang maliit ngunit napakasayang tagumpay sa kanyang buhay. Ito ang mga pagbabago sa kanilang munting tahanan sa Siargao.


Photo Courtesy: Andi Eigenmann | Youtube


Photo Courtesy: Andi Eigenmann | Youtube

Hindi na iba sa atin si Andi Eigenmann dahil isa siya sa panahon ngayon ang hinahangaan ng napakaraming tao dahil sa kanyang maganda at simpleng pamumuhay sa Siargao kasama ang kanyang pamilya.


Photo Courtesy: Andi Eigenmann | Instagram

Sa kabila ng kanyang hindi pagiging aktibo sa mundo ng showbiz ay gumawa siya ng isang youtube account na kung saan masusubaybayan natin ang buhay ni Andi sa pamamagitan ng Vlog.


Photo Courtesy: Andi Eigenmann | Instagram




Kamakailan lamang ay masaya niyang ibinahagi sa mga netizens sa pamamagitan ng kanyang Vlog ang munting pagbabago sa pinaayos na bahay nila sa Siargao.


Photo Courtesy: Andi Eigenmann | Instagram

Bumungad sa bidyo ang bakuran ng kanilang tahanan na kung saan kapansin-pansin ang magandang pagkakagawa nito. Ito ay inayos ng mabuti ng asawa ni Andi na si Philmar dahil isa din pala itong certified plantito sa kabila ng pagiging world class surfer.


Photo Courtesy: Andi Eigenmann | Instagram

Maliban sa magandang bakuran ay ipinasilip din ni Andi ang study room ng kanyang mga anak na sina Lilo at Ellie. Mapapansin sa Bidyo na ibinahagi na hindi pa tapos sa pag aayos ng mga gamit sa kanilang tahanan ang mag asawa. Dahil sa patuloy na pagpapaganda nila sa kanilang bakuran.


Photo Courtesy: Andi Eigenmann | Instagram

Kapansin pansin din ang saya sa mga labi ng kanilang mga anak habang nag lalaro ang mga ito. Nangako ang aktres na sa oras na matapos ang ginagawang pagsasaayos nang kanilang tahanan ay muli niya ibabahagi sa mga netizens ang nakamit nila muling tagumpay sa buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.