Hinangaan ng mga netizens ang malaking pagkakahawig ng Lola ni Dominic Roque at kaniyang nobya na si Bea Alonzo

Nasurpresa ang mga tagahanga ni Bea Alonzo nang makita nila ang pagkakahawig nito sa Lola ni Dominic Roque. Minsan palagi nating naririnig sa mga nakatatanda na kapag raw ang iyong kasintahan ay kamukha mo ibig sabihin kayong dalawa ang itinadhana sa isa’t isa o magkakatuluyan.


Photo Courtesy: Dominic Roque | Instagram




Ngunit ito ay magkaiba sa sitwasyon ng magkasintahang sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Sa halip na silang dalawa ang magkamukha ay laking gulat ng karamihan at ng kanilang mga tagahanga nang i-post sa Instagram fanpage ng BeaDom ang isang larawan ni Bea kasama ang lola ni Dominic na si Mommy Zenny.


Photo Courtesy: Dominic Roque | Instagram


Photo Courtesy: Dominic Roque | Instagram

Kung saan ay iyong makikita ang pagkakahawig ng kanilang mga mukha na kinunan noong buwan ng Hunyo. Ibinahagi din ang throwback photo ng lola ni Dominic noong bata pa ito na itinabi sa larawan din ni Bea.


Photo Courtesy: Dominic Roque | Instagram

Mommy Zenny ang tawag ni Dominic sa kaniyang lola na ina ng dating kilalang aktres na si Beth Tamayo na Tita naman ni Dominic Roque. Dahil sa nasabing post ay maraming mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga komento.


Photo Courtesy: Dominic Roque | Instagram





Photo Courtesy: Dominic Roque | Instagram

Ang ilan ay napa-wow at nagsabing magkamukha talaga sina Bea at Mommy Zenny. Ang iba naman ay nagsabing, akala nila ay si Bea noong nagdadalaga pa lamang ito.


Photo Courtesy: Dominic Roque | Instagram

Sa nakaraang panayam kay Bea ng Kapuso Network ay kaniyang ibinunyag ang isang bagay na kaniyang hinahangaan kay Dominic at ito ay ang pagiging mapagmahal sa kaniyang pamilya. Ayon sa aktres, ang pagiging mapagmahal ni Dominic sa kaniyang pamilya ay ang isang bagay na kaniyang hinahangaan.


Photo Courtesy: Dominic Roque | Instagram

Dagdag pa nito na ito ay isang halimbawa o daan na makikita mo ang totoong pagkatao ng isang lalaki, at ito ay kung paano niya tratuhin ang kaniyang ina, ama, kapatid at maging ang kaniyang mga kamag-anak.


Photo Courtesy: Dominic Roque | Instagram

Saad pa ng aktres ang pagiging mapagmahal ay isang katangian na tunay at totoo kay Dominic. Ang pagmamahalan, pagkakaroon ng unawaan at pag-intindi sa isa’t isa ang siyang susi sa masaya at matatag na pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.