Natagpuan ni Sheryn Regis ang panibagong pag-ibig sa kaniyang girlfriend ngayon na si Mel De Guia

Dahil sa malaki at mabilis na pagbabago nang ating teknolohiya at social media ay malaki na ang naitutulong nito sa bawat tao. Kaya naman hindi malabong maging updated ka sa mga kaganapang nangyayari maging ito man ay sa loob at labas ng ating bansa.


Photo Courtesy: Sheryn Regis | Instagram





Photo Courtesy: Sheryn Regis | Instagram

Hindi lamang ang mga balita ang ating tinututukan maging ang mga personal na buhay ng ating mga hinahangaan at kilalang tao ay talaga namang nakasubaybay tayo. Isang halimbawa na rito ang cellphone na kung saan ay marami nang mga bagong application maliban sa Facebook kung saan ay nakakapagscroll tayo para makapag-update ng mga bagong news.


Photo Courtesy: Sheryn Regis | Instagram


Photo Courtesy: Sheryn Regis | Instagram

Sa tulong din ng Tiktok application na kung saan ay marami na rin ang gumagamit ay marami na rin tayong mapapanuod na mga latest na kaganapan o pangyayari. Sa tulong ng Tiktok application ay natuldukan ang mga haka-haka ng karamihan tungkol sa kung ano nga ba ang tunay na relasyon nina Sheryn at Mel.


Photo Courtesy: Sheryn Regis | Instagram





Photo Courtesy: Sheryn Regis | Instagram

Ito ay nang magpost si Mel sa kaniyang Tiktok account ng bidyos nila ni Sheryn na kung saan ay makikitang komportable at sweet sila isa’t isa. Ang nasabing bidyo ay nakapost noong buwan ng Nobyembre.


Photo Courtesy: Sheryn Regis | Instagram

Sumunod namang nagpost si Sheryn sa kaniyang Instagram account, nito lamang buwan ng Disyembre na kung saan ay nagbahagi rin ito ng kanilang mga larawan na kakakitaan mo ng kanilang pagiging malambing sa isa’t isa. Ang ilan sa kanilang mga paboritong larawan na magkasama ay may caption na “Yes” and “Always”.


Photo Courtesy: Sheryn Regis | Instagram

Maliban sa pagiging magkasintahan ay naging food business partners din sina Sheryn at Mel. Si Sheryn Regis ay isang ipinagmamalaking miyembro ng LGBT community, sumikat pagkatapos manalo sa isang singing kompetisyon ng ABS-CBN na Star in a Million noong taong 2003.


Photo Courtesy: Sheryn Regis | Instagram

Siya ay may anak na babae sa dating partner na si Earl Echiverri. Samantalang si Mel naman ay may dating karelasyon na isang modelo na si Nicole Mendoza na dati niyang kasama at ka-share sa kanilang YouTube Channel na “The Ulagas”.




Leave a Reply

Your email address will not be published.