Ito ang napakaganda at napakaaliwalas na tahanan ng aktor na si Marvin Agustin na itinayo sa Quezon City

Hindi na iba sa bawat isa sa atin magkaroon nang kanya kanyang mga pangarap sa buhay. Isa na dito ang magkaroon nang maganda o komportableng bahay. Ang iba gusto magpagawa ng bagong bahay at ang iba naman ay gusto baguhin ang lumang disenyo ng kanilang bahay.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website




Hindi ito malabo mangyari lalo na kung ikaw ay masipag at matiyagang tao na ang hinahangad ang magandang kinabukasan. Tulad na lamang ng isa sa mga sikat na aktor at chef sa panahon natin ngayon na si Marvin Agustin na nagawang iparenovate ang kanyang tahanan sa Quezon City.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Sino nga ba naman ang hindi nakakikilala sa magaling na aktor at chef na si Marvin Agustin. Kung ating natatandaan ay naging katambal niya ang isa din na magaling na aktres na si Jolina Magdangal. Sumikat naman ang aktor sa pagiging chef dahil sa kanyang lechon cochinillo na madalas natin na nakikita sa kanyang social media account. Hindi mo maitatanggi ang galing at talentong taglay ng aktor.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website





Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanyang tahanan sa Quezon City matapos niya itong iparenovate sa tulong ng isa sa mga kilala at magaling na architect na si Cathy Saldaña. Si Cathy din ang isa sa mga naging susi sa magandang kinalabasan sa restaurant ng aktor na si Marvin.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Kapansin-pansin sa magandang tahanan ni Marvin na ang disenyo ay 70’s Italian inspired. Simula sa kanyang mga kagamitan, paintings at vibe nang kabuuang tahanan ay tila bumalik ka noong dekada 70. Ngunit mas nakakahanga ang bakuran ng aktor dahil mayroon itong malaking pool na kung saan may nakainstall na LED lightning system na kayang magbago sa limang kulay.


Photo Courtesy: Marvin Agustin | Instagram


Photo Courtesy: Marvin Agustin | Instagram

Bahagi din ng aktor na gusto niya na kapag nagpapagawa siya ng isang bagay ay dahan-dahan lamang at hindi minamadali. Dahil para sa kanya mas gumaganda ang isang gawain kapag dahan dahan mo itong tinatapos.




Leave a Reply

Your email address will not be published.