Ito ang napakasimple at malinis na apartment ng napakagandang aktres na si Janine Gutierrez

Marami nang mga artista ang masayang ipinapakita ang kanilang mga naipundar sa pamamagitan ng vlogging. Marami na din silang mga netizens ang nabigyan nila nang inspirasyon upang mag sumikap sa buhay at abutin ang pangarap. Ang iba sa mga artista na ito madalas ipakita ang kanilang naglalakihang mga bahay, magandang sasakyan, at malaking bahay bakasyunan.

Photo Courtesy: Janine Gutierrez | Youtube


Photo Courtesy: Janine Gutierrez | Youtube




Ngunit may iba din sa kanila na masaya na ipakita ang kanilang simple ngunit napakagandang tirahan. Tulad na lamang nang isa sa mga sikat at napakagandang artista na hinahangaan natin ngayon na si Janine Gutierrez.


Photo Courtesy: Janine Gutierrez | Youtube


Photo Courtesy: Janine Gutierrez | Youtube

Isa si Janine Gutierrez sa mga inaabangan at mayroong mga naggagandahang proyekto sa telebisyon o sinehan. Maliban sa kanyang talento sa pag- arte ay mayroon din siyang isang napakagandang ugali tulad ng pagiging environment friendly person. Kung kaya marami ang nahumaling sa kanya dahil sa hindi lamang ito maganda kundi matalino, simple at mapagmahal sa kalikasan.


Photo Courtesy: Janine Gutierrez | Youtube


Photo Courtesy: Janine Gutierrez | Youtube

Sa kabila ng kanyang mga magagandang proyekto ay naisipan na din pasukin ni Janine ang mundo ng Vlogging na kung saan ang unang bidyo niya ay tungkol sa kanyang magandang apartment.
Mapapansin sa bidyo ang kakaibang pagdisenyo ng aktres sa mga pader ng kanyang apartment na kung saan mapapahanga ka sa ganda. Dahil napupuno ito ng iba’t ibang litrato na kanyang paborito.


Photo Courtesy: Janine Gutierrez | Youtube





Photo Courtesy: Janine Gutierrez | Youtube

Pagdating naman sa kanyang kusina ay tila bumalik ka sa sinaunang panahon dahil sa disenyo ng kanyang refrigerator na sobrang cute at nababagay sa kabuuang disenyo ng kanyang kusina.
Kung pag-uusapan naman natin ang mga kagamitan ng aktres ay mas lalo kang mapapahanga dahil hindi siya bumibili sa mga naglalakihang malls.


Photo Courtesy: Janine Gutierrez | Youtube


Photo Courtesy: Janine Gutierrez | Instagram

Sapagkat mas gusto niya magpagawa sa mga local shops at magagaling na karpintero na makikita palibot sa metro manila. Maliban dito ay kapansin pansin din ang isang painting na kung saan gawa ito ng isang local artist na nakilala din ng aktres sa social media. Tila mapapahanga ka na lang talaga sa ganda nang apartment ng aktres at sa kanyang napakagandang ugali at simpleng pamumuhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.