Silipin ang ipinagawang extension sa bahay ng magkapatid na Gonzaga

Marami na tayong natunghayan na mga sikat na artista ang sumikat sa mundo ng showbiz. Karamihan sa kanila ay nakapagpundar na nang mga magagandang tahanan, sasakyan at business. Dahil din sa kanilang tagumpay ay nabigyan nila nang magandang buhay ang kanilang mga pamilya at nakamit nila ang kanilang mga matagal nang pangarap sa buhay. Tulad na lamang ng sikat at hinahangaan na magkapatid na Tony at Alex Gonzaga.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website





Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Maliban sa pagiging kilala sa mundo ng showbiz ay hindi din nagpahuli ang magkapatid sa mundo ng vlogging. Isa sila sa mga Filipino Celebrity na mayroong maraming mga followers sa iba’t ibang social media platforms. Kilala ang magkapatid sa pagiging magaling sa pagpapatawa kung kaya minahal sila ng maraming Filipino.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website




Tatlong taon na din ang nakaraan nang malaman natin na nagpropose na ang matagal nang kasintahan ni Alex na si Mikee. Samantala ang nakakatanda namang kapatid niya na si Toni ay kasalukuyan ng may anak at masayang nagsasama ng kanyang asawa na si Paul Soriano.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Sa kabila ng kanilang kasikatan ay mayroon din silang pangarap na kung saan ay magkaroon nang extension ang kanilang tahanan sa Taytay. Noong nagsisimula pa lamang sila sa mundo ng showbiz ay mayroon lamang silang 150sqm na laki ng lupa na kung saan matagumpay sila nakapagpatayo ng bahay na mayroong apat na kwarto.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website




Lumipas ang maraming taon at nagawa ulit nilang bumili nang mas malaking lupa na mayroon lawak na 600 sqm. Dito ay pinadugtungan nila ang kanilang dating bahay at pinadagdagan ng dalawa pang kwarto para sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. Ang living room ay hindi na nila pinabago ngunit pagdating sa kanilang kusina ay napapalibutan na ito nang mga cabinet na gawa sa kahoy.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Ang dining area naman ng kanilang bahay ay napaka-eleganteng tingnan dahil sa modern design na tila kakasiya ang malaking bilang ng pamilya at isama mo pa ang mga kaibigan na maaaring makikain sa kanila.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website


Photo Courtesy: Toni Gonzaga | Instagram


Photo Courtesy: Toni Gonzaga | Instagram

Sa kabuuan ang house extension na naganap sa tahanan ng mga Gonzaga ay may tema ng maala Victorian style na may kombinasyon nang kulay na gray at white. Samahan pa ng mga tila vintage na kagamitan na mas lalong nagpaganda sa kabuuang bahay ng mga Gonzaga.




Leave a Reply

Your email address will not be published.