Ito ang napakagandang bahay ng artistang si Heart Evangelista sa Quezon City

Marami tayong hinahangaan na mga celebrity na kung saan nagiging inspirasyon natin sila sa ating buhay. Maliban sa kanilang pagiging magaling sa larangan nang pag-arte, pagkanta at pagsayaw ay karamihan sa mga celebrity na ito ay mayroon din mga ginintuang puso.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram




Laging nandiyan sa oras ng krisis at handang tumulong sa mga taong nangangailangan. Tulad na lamang ng isa sa mga magaling na aktres na kilala sa panahon ngayon at hinahangaan sa iba’t-ibang larangan. Ito ay walang iba kundi si Love Marie Payawal Ongpauco- Escudero o mas kilala sa pangalan na Heart Evangelista.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa kabila ng kanyang katanyagan sa iba’t ibang larangan ay mas lalo pa siyang nakilala nang ipakita niya ang kanyang tahanan na matatagpuan sa Quezon City.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Kung ating dadalawin ang tahanan ng aktres ay hindi mo ito aakalain na siya mismo ang nag disenyo ng kanyang sariling tahanan na sumasalamin sa kanyang pag uugali. Saad nga ng aktres na malaki ang kanyang ipinagbago at mas naging matured siya lalo na sa paraan ng kanyang pag iisip.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Kitang kita naman ang pagbabago na ito sa disenyo ng kanyang living room na kung saan kapansin-pansin ang malaking espasyo na napapaligiran ng mga magaganda at eleganteng gamit.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Pagdating naman sa kanyang kusina ay napakalinis tingnan nito dahil sa white and black design. Hindi naman magpapahuli ang kagandahan na masasaksihan sa kuwarto mismo ng aktres dahil sa malaki at eleganteng kama, samahan pa na tila langit na disenyo nang kanyang kisame.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang kanya namang bathroom ay simple lamang ngunit malinis at maganda pagmasdan.
Kakaiba naman ang kombinasyon ng kulay ng study and work area ng aktres at samahan pa nang magaganda at cute na mga disenyo na nakapalibot dito.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang walk-in closet at storage area naman ay kapansin-pansin dahil sa mga nag gagandahan damit sabayan pa ng magandang kulay nang pader na kulay pink.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram




Napakagaan naman sa mata pagmasdan ang outdoor nook ng aktres na kahit sino pa man ang gumamit nito ay talaga naman makakagawa ng isang magandang painting tulad lamang ni Heart.

Leave a Reply

Your email address will not be published.