Nasilayan na natin ang karamihan sa magagandang bahay ng ating mga iniidolo sa industriya ng show business. Madami nga dito ay may kaniya-kaniyang disenyo at sarili mismo nila ang pumili sa disenyong iyon. May iilan na kakaiba ngunit masasabi mong napakaganda pa rin.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Ngunit ano nga ba ang itsura ng tahanan ng isang alamat, ng nag-iisang “Da King” sa pelikulang Pilipino. Ito nga ay walang iba kung hindi ang nag-iisang “King of Philippine Movies” na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang Fernando Poe Jr (FPJ).
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Una siyang nasilayan sa mundo ng show business sa edad na 14 na taon at ang lahat nga ay naging kasaysayan ng kaniyang kasikatan at karera. Pinakasalan niya ang isa rin sa kaniyang mga naging leading lady na si Susan Roces na tinaguriang “Queen of Philippine Movies”.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Nanirahan silang dalawa sa US kasama ang kanilang adopted na anak na si Grace Poe. Halos dito nga inilaan ni Grace Poe ang kaniyang kabataan. Inamin naman ni FPJ na nagkaroon siya ng 2 pang anak sa kaniyang pagkabinata, sina Ronian at Lovi Poe.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Nang bumalik sila ng Pilipinas, napagdesisyunan ni FPJ na pasukin ang mundo ng pulitika. Desyembre taong 2004, pumanaw ang nag-iisang “Da King”. Isa sa pinakamalungkot na balita na narinig ng sambayanang Pilipino.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Si FPJ at Susan Roces naman ay mayroong naipundar na napakagandang bahay sa Quezon. Ipinamana naman nila ito sa kanilang anak na si Grace Poe na siyang naninirahan ngayon sa nasabing bahay kasama ang kaniyang pamilya.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Ang nasabing tahanan ay kombinasyon ng makabago at tradisyunal na disenyo. Ito ay mayroong tatlong palapag kung saan puti ang kulay ng mga dingding at mayroon tradisyunal na disenyo ang loob na sumasalamin sa kulturang Pinoy.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Karamihan sa mga kagamitan dito ay mga antigo at ang iba naman ay mayroong sentimental na halaga para sa pamilya. Ang painting na “Sarimatok” na likha ni Abdulmari Imao, isang national artist ay makikita rin dito.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Ang kusina at dining area ay mayroong tradisyonal na desinyo, kung saan dito sila nagsasama-sama kapag mayroong okasyon. Makikita rin dito ang painting ng kaniyang mga magulang. Mayroon ding swimming pool kung saan naglalagi ang kaniyang mga anak kapag wala silang ginagawa.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Si Grace ay mahilig rin magpinta at ilan sa kaniyang mga obra ay makikita sa loob ng kanilang tahanan. Kahit na si Grace na ang nagmamay-ari ng nasabing bahay maraming ari-arian at ala-ala ng kaniyang mga magulang ang makikita mo rito. Ayon naman kay Grace ay kagustuhan niyang manatili ang mga ito upang maramdaman niya ang presensya ng kaniyang mga magulang.