Ito ang napakagandang tatlong palapag na bahay sa Quezon City na pagmamay-ari ni Kris Aquino

Ang bawat isa sa atin ay may karapatan na mamili kung saan natin gusto manirahan. Iyon bang kung saan tayo ay komportable. Lalo na sa mga may kakayahan na mamili o may kakayahan magpagawa at magdisenyo ng kanilang titirhan.

Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Tulad nalang nga ng aktres na si Kris Aquino. Kung saan ay nagpalipat-lipat na ng kaniyang tinitirhan. Alam naman natin na may kayamanan si Kris Aquino dahil na rin sa kaniyang pamilya at dahil na rin sa kaniyang pagtatrabaho.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa katunayan nga ay isa siya sa pinaka-maimpluwensyang tao sa ating bansa. Si Kris Aquino nga ay sanay nang manirahan at mamuhay sa Condo. Ito ay dahil dati siyang nanirahan na sa isang Condo unit kasama ang kaniyang dating karelasyon na si Philip Salvador.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Taong 2013 nga nang lumipat si Kris Aquino sa kaniyang tatlong palapag na tahanan sa Quezon City kasama ang kaniyang mga anak na sina Bimby at Joshua. Masasabi mo nga maganda ang nasabing tahanan ni Kris Aquino at talagang pinaggastusan ito.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Ang pag-renovate nga sa kanilang tahanan upang maisakatuparan ang gusto ni Kris na disenyo nito ay umabot ng tatlo at kalahati na buwan. Ayon pa nga sa isa sa naging designer ng bahay ni Kris ay napakalaki nga raw ng bahay ni Kris at kinailangan pa nilang sirain ang ibang mga dingding para mas lumapad ito dahil may mga parte ito na may malawak na espasyo.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Inayon nila ito sa kagustuhan ni Kris upang masunod ang Feng Shui na pampaswerte ng tahanan. Ang bahay ay naglalaman ng matitingkad na kulay, ang pinto ay matingkad na kulay berde. Mayroon din kayong makikita na maliit na mesa kung saan nakalagay ang mga religious statue nila.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

May mga magagandang bulaklak rin ang nakaayos sa mesa at ilang mga aklat ang nakapatong dito. Mayroon din itong natural lightings na nanggagaling sa napakalaking glass wall at window ng kanilang living room. Pinapanatili naman nitong pribado ang kanilang sarili sa pamamagitan ng isang puting kurtina.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Makikita mo rin dito ang isang maliit na Grand piano. Mayroon ding Golden Buddha na nakapwesto sa pagitan ng dawalang silid. Kapag napunta ka naman sa kanilang kitchen at dining area ay masasabi mo talagang magarbo ang kanilang tahanan. Ang mga cabinet dito ay kulay puti na napakasarap sa ating mga paningin.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang kanilang dining table ay isang napakalinaw na glass table. Ang pinapatungan naman nito ay isang magandang sculpture na kulay puti. Ito nga raw ay nanggaling sa dating presidente na ina ni Kris Aquino na si President Cory Aquino. Ilang taon na nga raw itong gamit ni Kris Aquino.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Makikita mo rin dito ang koleksyon ng aktres na nakalagay sa mga glass cabinets. At hindi rin mawawala ang make-up room ni Kris Aquino kung saan siya nag-aayos o nagpapaayos ng kaniyang sarili. Kumpleto rin ito ng mga kagamitan at may sariling cr pa.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa patuloy mong pag-iikot sa kaniyang tahanan ay makikita mo rin ang kaniyang iba pang koleksyon tulad ng mga sapatos. Pati na rin mga paintings para kina Ninoy at Cory ay makikita mo sa kanilang hagdanan paakyat.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang ibang mga silid ay ang mga silid ng kaniyang mga anak. Tulad nalang ng kuwarto ni Bimby na kulay itim na mayroong kaunting kulay dilaw upang magbigay ng matingkad na dating. Mayroon din itong drum set para sa kaniya.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang tema naman ng kuwarto ni Josh ay isang travel at explorer na tema. Mayroong napakalaking mapa sa dingding nito sapagkat ito ang hilig ni Josh.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa rooftop naman nito matatagpuan ang iba’t ibang uri ng halaman upang maitaboy ang mga lamok. Mayroon din ditong bougainvillea garden na ipinagawa si Kris.




Leave a Reply

Your email address will not be published.