Ipinasilip ni Sir Chief o Richard Yap ang kaniyang napakagandang tahanan at mga sasakyan

Isa sa mga sinusubaybayan ng nakararami ay ang Chinese-Filipino na si Richard Yap. Siya ay isang endorser, negosyante at sumikat na aktor sa mundo ng showbiz nang gampanan niya ang kaniyang role bilang isang Sir Chief sa teleseryeng minahal ng bawat Pilipino na “Be Careful with my Heart”.


Photo Courtesy: Richard Yap | Instagram





Photo Courtesy: Richard Yap | Instagram

Sa kaniyang taglay na kagwapuhan at kisig nang katawan ay hindi mo mapaniniwala ang iyong sarili na siya ay 53 taong gulang na. Sa kaniyang edad ay isa pa rin siya sa mga nangungunang leading man sa bansa.


Photo Courtesy: Richard Yap | Youtube

Una siyang lumabas o nasilayan sa telebisyon bilang isang commercial model para sa isang sikat na Chinese fast-food chain. Maliban sa mapagmahal na asawa niya na si Melody Yap ay isa rin siyang mabait na ama sa kaniyang dalawang anak.


Photo Courtesy: Richard Yap | Youtube


Photo Courtesy: Richard Yap | Youtube

Dahil sa kaniyang kagwapuhan, alindog ng katawan at galing sa pag-arte ay hindi maikakailang marami ang nagkakagusto o pumapantasya sa kaniya. Ito ang mga katangiang taglay niya na naging daan upang bigyan siya ng maraming roles sa telebisyon at maging sa pelikula. Ilan na rito ang Binondo Girl, Kadenang Ginto, Achy Breaky Hearts at Praybeyt Benjamin.


Photo Courtesy: Richard Yap | Youtube




Masasabi mong hindi lang siya sikat na aktor isa rin siyang magaling na negosyante. Ayon sa aktor, dahil marami ang humihiling na makita ang kaniyang tahanan ay kanya itong pinagbigyan at ito ay kaniyang itinampok sa kaniyang vlog na mapapanood sa kaniyang YouTube channel.


Photo Courtesy: Richard Yap | Youtube

Ang nasabing tahanan ay talagang moderno at maganda. Ipinakita niya ang kaniyang kulay itim at puting sala. Itinampok din niya ang ilang bahagi ng kaniyang tahanan gaya ng silid-kainan at contemporary kitchen.


Photo Courtesy: Richard Yap | Youtube


Photo Courtesy: Richard Yap | Youtube

Maliban sa kaniyang tahanan, ipinasilip rin niya sa mga manunuod ang kaniyang limang mamahaling sasakyan. Saad ng aktor, kaya niya ipinakita ang kaniyang tahanan sa kadahilanang marami sa kaniyang mga tagasubaybay ang nakiusap sa kaniya na ipasyal sila sa kanilang tahanan.


Photo Courtesy: Richard Yap | Youtube


Photo Courtesy: Richard Yap | Youtube

Ganun pa man ay talagang pinagpala si Richard Yap sa kaniyang karera sa mundo ng showbiz at maging sa kaniyang negosyo at pamilya. Dahil dito ay naging matagumpay ang kaniyang mga proyekto at nakatanggap rin siya ng maraming pagkilala dahil sa kaniyang husay at galing bilang isang aktor.




Leave a Reply

Your email address will not be published.