Ito ang munting pasilip sa napakagandang condominium unit ng aktor na si Jake Cuenca

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa isa sa mga nangungunang artista sa mundo ng showbiz at heartthrob ng lahat na si Jake Cuenca na ang tunay na pangalan ay Juan Carlos Cuenca. Sa kaniyang hubog nang katawan at angking husay at galing sa pagmomodelo at pagiging aktor ay hindi mo masasabing siya ay 32 taong gulang na.

Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram




Ang nasabing aktor ay ipinanganak at lumaki sa San Jose, California na talagang nakilala sa iba’t ibang role na kaniyang ginampanan mapateleserye man o pelikula.


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram

Kaya naman dahil sa kaniyang determinasyon, sipag at tiyaga sa trabaho at dahil na rin sa maayos na paghawak ng kaniyang pera ay nakapag-invest siya ng isang condominium na matatagpuan sa Mandaluyong. Sa kagustuhang magkaroon ng isang maluwang na espasyo ang unit ngunit pangmalakasan ang dating, ay pinagsama ng aktor ang dalawang unit.


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram

Sa tulong ni Leni Llapitan ng R.A. Leveriza & Associates at ang pagkakaroon ng mga magagandang muwebles mula sa iba’t ibang furniture stores tulad ng Bo Concept, Dimensione, Dwell, at Our Home, sa wakas ay nagkaroon na si Jake Cuenca ng isang tahanang kaniyang pinapangarap para sa kaniyang sarili.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Ang nasabing unit ay may lawak na 110sqm na kung iyong ilalarawan ay napakasimple pero pangmalakasan at eleganteng tingnan. Ang nasabing tahanan ay may kombinasyong kahoy, itim at kulay-abo ang mga muwebles at puti ang pintura ng wall na talaga namang ehemplo ng isang mapagkumbabang tirahan ng isang maginoo.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang kaniyang sala ay mayroong kulay abong sopa at may matingkad na pinturang lila para sa isang entertainment. Ang kaniya namang kusina ay napakasimple lang tingnan, wala itong hapag-kainan tanging kitchen counter lamang.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Kung ating titingnan naman ang kaniyang silid-tulugan ay napaka-maaliwalas at komportable, ang kaniyang higaan ay pasadyang ginawa. Makikitaan mo rin ito ng gaming at entertainment spot.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Nakakatuwa at nakakagaan nang pakiramdam na makita ang mga bagay na bunga ng iyong sipag at tiyaga sa pagtatrabaho. Kung talagang magsusumikap ka para sa iyong kinabukasan, magkakaroon ka ng isang maginhawang buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.