Ito ang pangarap na tahanan ni Slater Young at Kryz Uy na tinaguriang The SkyPod

Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang bersyon ng ating pinapangarap na bahay. Mayroong nangangarap magkaroon ng malaking bahay. Ang iba ay gusto ng malapalasyong tahanan. Ngunit may mangilan-ngilan na gusto ng simple basta malinis at maaliwalas na bahay.


Photo Courtesy: Kryz Uy | Instagram





Photo Courtesy: Slater Young | Instagram

Ilan nga sa mga personalidad sa show business na minsan nang nangarap magkaroon ng kanilang sariling dream house ay ang mag-asawang Slater Young at Kryz Uy. Para sa karamihan nakilala at sumikat si Slater Young noong sumali siya sa “Pinoy Big Brother” ng kapamilya channel.


Photo Courtesy: Slater Young | Instagram


Photo Courtesy: Kryz Uy | Youtube

Ang kaniyang asawa naman na si Kryz Uy ay isang sikat na Youtube personality. Taong 2019 buwan ng Disyembre nang ibahagi ng dalawa ang kanilang napakagandang tahanan. Binansagan pa nga nila itong “Sky Pod”. Simple lamang ang disenyo nito na may pagka-moderno ang istilo.


Photo Courtesy: Kryz Uy | Youtube


Photo Courtesy: Kryz Uy | Instagram

Makikita mo na halos lahat ng kanilang dingding ay gawa lahat sa salamin kung kaya’t makikita mo talaga ang labas at ang loob ng kanilang tahanan. Pinagsama namang bakal, kahoy, at semento ang materyal na ginamit para sa kanilang bahay.


Photo Courtesy: Slater Young | Instagram





Photo Courtesy: Kryz Uy | Youtube

Kulay ginto at berde naman ang kulay na makikita sa loob ng kanilang dream house. Makikita mo rin ang isang napakagandang pool sa gitna mismo ng kanilang tahanan. Sa living area naman ay masasabi mong napakaaliwalas, dahil ito sa kanilang glass walls na magbibigay pa sa iyo ng magandang tanawin ng mga bundok sa labas.


Photo Courtesy: Slater Young | Instagram


Photo Courtesy: Kryz Uy | Youtube

Makikita mo rin ang napakalaking sofa, dingding na mayroong disenyo ng kahoy, fire pit, at iilang mga kagamitan na nanggaling sa kanilang Bali at Singapore trip. Ipinakita rin ng mag-asawa ang kanilang dining area at kusina. Ilan nga sa mga kagamitan dito ay galing pa sa ama ni Slater Young.


Photo Courtesy: Kryz Uy | Youtube

Ang kanilang mesa at upuan ay gawa sa kahoy. Mayroon din ditong hanging lamps na nagbibigay ng liwanag sa kanilang hapag-kaninan. Ang kanilang kusina naman ay mayroon mga modernong kagamitan.


Photo Courtesy: Kryz Uy | Youtube

Ang kanilang tahanan ay mayroon din guest room para sa kanilang mga bisita na mayroong kulay blue na nakapinta. Naglalaman ito ng komportableng kama at malambot na malaking mga unan. Mayroon din ditong kombinasyon ng kahoy at bakal na cabinet.


Photo Courtesy: Kryz Uy | Youtube

Highlights nga ng kanilang Sky Pod ang kanilang pool corner. Makikita mo rin dito ang kanilang family picture na black and white at ang napakalaking cactus.




Leave a Reply

Your email address will not be published.