Ang dating aktres na si Jewel Mische ay kasalukuyang naninirahan na ngayon sa isang mala-fairy tale na bahay sa ibang bansa

Lahat ng kababaihan ay nag-aasam ng isang mala-fairy tale na buhay. ‘Yong tipong titira ka sa isang napakagandang lugar kasama ang iyong prince charming at magkakaroon kayo ng isang happy ending. Ngunit alam naman nating lahat na lahat ng iyon ay makikita mo lang sa isang palabas o kwento.

Photo Courtesy: Jewel Mische | Instagram




Ngunit ibahin niyo ang dating aktres at modelo na si Jewel Mische. Hindi man naging mala-fairy tale ang kaniyang buhay. Natupad naman ang kaniyang pangarap na manirahan sa lugar na mala-fairy tale ang datingan.


Photo Courtesy: Jewel Mische | Instagram


Photo Courtesy: Jewel Mische | Instagram

Kung maalala nga natin ay sinubukan ng dating aktres na pasukin ang mundo ng show business ngunit bigla nalang siyang nawala sa malapit niya na sanang pagsikat. Ngayon nga ay naninirahan si Jewel Mische kasama ang prince charming ng kaniyang buhay na si Alister Kurzer at ang kanilang anak na si Aislah Rose sa isang Rosewood Cottage na may bansag na “Castle”.


Photo Courtesy: Jewel Mische | Instagram

Ang lokasyon nga ng kanilang tahanan ay para bang nasa gitna ng isang gubat na katulad ng nasa fairy tale. Ito nga ay ibinahagi ni Jewel sa kaniyang Instagram account at sinabi na matagal niyang gustong manirahan sa isang English/Tuscan cottage.


Photo Courtesy: Jewel Mische | Instagram




Kung dati nga raw ay iniisip niya lang ang magkaroon ng isang bahay na malapit sa isang ilog, bakuran na mapaglalaruan ng kaniyang mga anak at alaga. Gusto niya rin daw na nagtatrabaho ang kaniyang asawa sa isang kamalig habang siya ay nagluluto sa kusina.


Photo Courtesy: Jewel Mische | Instagram

Ang pangarap nga na iyon ay naisakatuparan nang mahanap nila ang Rosewood Cottage. Ipinost niya rin ang litrato ng kanilang bahay. Nilagyan naman ng mag-asawa ng decoration ang kanilang tahanan noong tag-lamig.


Photo Courtesy: Jewel Mische | Instagram

Ayon naman sa kanila ay madami silang plano para sa darating na tag-init. Sinabi niya rin na balak nila itong pagawan ng isang harden. Labis na napamahal nga raw si Jewel sa nasabing bahay noong una niya itong nakita taong 2017.


Photo Courtesy: Jewel Mische | Instagram

Ngunit hindi nag-ayon sa kanila ang tadhana sa kadahilanang hindi nila ito kayang bilhin. Ngunit pursigido ang mag-asawa na mabili ang ari-arian na ito kung kaya’t pinaghirapan at pinagtrabahuan nila ito. Makalipas ang 4 na buwan nabili nila ang Rosewood Cottage.


Photo Courtesy: Jewel Mische | Instagram

Kahit na iniwan ni Jewel ang mundo ng showbiz, patuloy pa rin siyang namuhay. Mas masaya siya sa pinili niyang buhay ngayon. Ang dating aktres na ito ay mayroong pamilya, magandang tahanan sa kakahuyan, at malapit sa kalikasan. Kung gugustohin niya nga ay puwedeng siyang magtanim ng mga makakaing halaman dito.




Leave a Reply

Your email address will not be published.