Silipin ang napakagandang tahanan ni Jericho Rosales at Kim Jones na mayroong napakagandang disenyo

Sabi nila makikita mo sa disenyo at istilo ng isang bahay kung anong klase ang nagmamay-ari nito. Makikita mo rin kung anong hilig ng taong nakatira dito. Ang pagkakaroon ng isang maganda at maayos na bahay ay normal na pinapangarap ng lahat.


Photo Courtesy: BujiBrownLegs | Instagram




‘Yong tipong naka-organisa ang lahat, nakaayos, maaliwalas, at napakalinis. Tulad nalang nga ng tahanan ng isa sa pinakamagaling na leading man sa pelikulang Pilipino na si Jericho Rosales kasama ang kaniyang asawa na si Kim Jones.


Photo Courtesy: BujiBrownLegs | Instagram


Photo Courtesy: BujiBrownLegs | Instagram

Ang kanilang tahanan ay bunga ng kanilang sipag at tiyaga. Ang nasabing bahay nga ay napaka-stylish dahil na rin siguro sa mga kinahihiligan nilang mag-asawa. Si Jericho ay mahilig sa photography, samantala ang kaniyang asawa naman ay isang designer. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit nasa ayos ang halos lahat ng kagamitan nila rito.


Photo Courtesy: BujiBrownLegs | Instagram


Photo Courtesy: BujiBrownLegs | Instagram

Kung makikita mo nga ang nasabing bahay, mapapansin mo ang pagkamaluwag nito sa loob. Mayroon din itong modernong hitsura. Bagay na bagay sa isang aktor na madaming alam at hilig sa buhay. Ang kanilang sala ay malawak, puting dingding at mga kagamitan.


Photo Courtesy: BujiBrownLegs | Instagram




Mayroon din itong malaking bintana na nagbibigay ng maliwanag na tanawin. At dahil mayroong talento ang aktor sa pagkuha ng litrato, iilan sa kaniyang mga kuha ay naka-display sa kanilang dingding. Mayroon din mga halaman na nakalagay sa loob ng kanilang living area.
Ang kanilang tahanan ay isang pet friendly na lugar dahil na rin mayroon silang alagang aso.


Photo Courtesy: BujiBrownLegs | Instagram

Matatagpuan mo rin dito ang napakagandang hagdan na gawa sa kahoy na nagpapakita sa napakalaking glass wall at bintana na magbibigay sayo ng sinag ng araw. Mayroon ding napaka-cute na espasyo na iyong matatagpuan bago pa makarating sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan, bagay na bagay pagkapehan.


Photo Courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Makikita mo rin ang isang parang tulay na lugar kung saan may nakalagay na isang maliit na kama para sa mahihilig umidlip. Talaga nga namang nakakamangha ang loob sa taglay nitong ganda kahit simple lang ang tema at disenyo nito.


Photo Courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Kung mapapadpad ka naman sa labas ng kanilang bahay makikita mo ang kanilang swimming pool na perpekto para sa mga okasyon at salo-salo.


Photo Courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Puwedeng-puwede ring magrelax dito at mag-muni muni. Hindi na nga kinakailangan magpunta pa sa mga beach sapagkat maaari ka nang magtampisaw sa pool na ito at mag-sunbathing.




Leave a Reply

Your email address will not be published.