Ito ang napakagandang tahanan ng pamilya ni Loisa Andalio na kaniyang ibinahagi sa kaniyang vlog

Isang napakalaking oportunidad para sa aktres na si Loisa Andalio ang nakita niya noon bago siya nakapasok sa tahanan ni Kuya. Kahit hindi man pinalad na manalo ang aktres sa reality show na Pinoy Big Brother ay naging daan naman ito sa kanya upang makilala sa mundo ng showbusiness.


Photo Courtesy: Loinie TV | Youtube





Photo Courtesy: Loinie TV | Youtube

Dahil sa oportunidad na ito ay natulungan niya ang kanyang pamilya at higit sa lahat ay nakapagpundar siya ng iba’t-ibang bagay tulad ng tahanan. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga ay unti-unti niyang nakakamit ang mga bagay na dati lamang niyang pangarap. Isa na doon sa kanyang mga pangarap ay makapagpatayo ng sarili niyang tahanan.


Photo Courtesy: Loinie TV | Youtube


Photo Courtesy: Loinie TV | Youtube

Masaya niya na ipinakita sa kanyang Vlog na pinamagatang “Family Home Tour” ang kanilang magandang tahanan. Saad ng aktres na noon ay wala silang tirahan kung kaya nakikitira lamang sila sa kanilang mga kamag-anak.


Photo Courtesy: Loinie TV | Youtube





Photo Courtesy: Loinie TV | Youtube

Dagdag pa niya na tatlong taon pa lamang siya sa showbiz ay nabili na niya ang bahay. Sa tulong ng iba’t ibang proyekto na ibinibigay sa kanya ay unti-unti nabuo ang kanyang mga pangarap. Ipinagmalaki din ng aktres na silang pamilya na din ang nagdisenyo nito at hindi na kumuha ng arkitekto.


Photo Courtesy: Loinie TV | Youtube

Kasama ng aktres ang kanyang matagal nang nobyo na si Ronnie Alonte sa pag tour nila sa buong bahay. Marami sa mga netizens ang kinilig sa kaganapan na ito. Ipnakita ng aktres ang iba’t-ibang bahagi ng kanyang tahanan na talaga naman napakaganda at maaliwalas. Matapos libutin ng magkasintahan ang family house ay nagtungo ang aktres sa kanyang panibagong pundar na tahanan para naman sa kanyang sarili.


Photo Courtesy: Loinie TV | Youtube


Photo Courtesy: Loinie TV | Youtube

Hindi naman kalayuan ang bagong bili niyang bahay sa Family house nila. Sa ngayon ay patuloy pa din ang aktres sa pagpapahanga niya sa kanyang mga tagasubaybay. Mas dumami din ang mas lalong humanga sa kanya dahil sa murang edad ay napakasipag nito at matiyaga. Umani din ng maraming positibong komento mula sa kanyang mga tagahanga ang ipinakitang achievement na ito ng aktres.




Leave a Reply

Your email address will not be published.