Kilalanin ang napakagandang panganay na anak ng batikang action star na si Robin Padilla

Marami na sa mga anak ng mga batikang artista ang nakilala. Karamihan nga sa kanila ay sumunod pa sa yapak ng kanilang mga magulang. Ang iba naman ay ibinahagi rin ang kani-kanilang talento sa ibang bagay.


Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram





Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram

Isa na nga rito ang batikang aktor na si Robin Padilla na ilan sa kaniyang mga kamag-anakan ay pawang mga magagaling na aktor at aktres. Hindi mo rin maikakaila na namana ng kaniyang anak ang galing at talento nito sa pag-arte.


Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram


Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram

Alam naman natin na bukas sa publiko ang aktor na si Robin Padilla pagdating sa kaniyang pamilya. Lalo na sa ilan sa kaniyang mga anak, ngunit karamihan ay siguradong magugulat pa rin ang tungkol sa panganay niyang anak na si Camille Orosa.


Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram





Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram

Si Camille ay ang panganay niyang anak at nag-iisang anak sa kaniyang kapwa artista na si Leah Orosa kung saan kaniyang nakatrabaho sa pelikula noong 90’s na “Sa Diyos Lang Ako Susuko”. Mas pinili ng mag-ina na lumayo sa atensyon ng publiko nang manirahan sila sa US.


Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram

Ganoon pa man ay hindi naging hadlang ang malayong distansya ng mag-ama para maging konektado pa rin sa isa’t-isa. Si Camille nga ay naninirahan na ngayon sa ibang bansa kasama ang kaniyang ina na si Lea at ang step-father nito na si Antonio Orosa.


Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram

Base sa mga naging ulat patungkol sa kaniya ay mayroon siyang 4 pang kapatid sa kaniyang ina. Nakapagtapos na rin ng kaniyang pag-aaral si Camille at nakakuha rin ng Master’s Degree sa kursong “Information and Data Science” sa California noong taong 2019.


Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram

Ayon pa sa kaniyang Instagram post na ang kaniyang ama na si Robin ang nagtulak sa kaniya at tumulong upang makapag-enroll para sa kaniyang Master’s Degree. Laking pasasalamat din naman ni Camille kay Mariel Rodriguez na siyang asawa ngayon ni Robin Padilla.


Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram

Sabi pa ni Camille sa kaniyang Instagram post na dahil sa kabaitan ni Mariel ay mas lalo pa naging close ang kanilang pamilya. Tinatawag niya rin si Mariel ng “My other Gorgeous mom”. Isa ring Dog lover ang pamilya nina Camille sa katunayan nga ay naglabas sila ng isang “dog parenting business” na tinawag nilang Doggo Gadgets noong 2018. Ang kaniyang ina na si Leah ay isang Schutzhund trainer.




Leave a Reply

Your email address will not be published.