Tingnan ang ilan sa mga sulok ng tahanan ng napakagaling na aktres na si Sylvia Sanchez

Hindi talaga nawawalan nang pasabog ang bawat artista na ating sinusubaybayan. Dahil bawat araw na dumadaan ay may mga bagay silang maaaring ipakita na ating kahahangaan. Ngunit sa kabila ng mga bagay na ito ay mga kwento na hindi natin inaakala na mangyayari sa kanila na magiging daan upang makamit at paghandaan ang bagay na ito. Tulad na lamang ng kilala at sikat na aktres na si Sylvia Sanchez.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa magaling na aktres na ito na madalas magpaiyak sa atin dahil sa kanyang mga nag-gagandahang roles. Bago natin nakilala ang aktres sa mga ginampanan niya ngayon ay kilala ang aktres noon dahil sa kanyang mga napakagaling na mga roles.

Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Makalaunan ay mas nakilala at sumikat siya sa isa sa mga inaabangan na serye noong 90s at ito ay kilala sa tawag na “Esperanza”. Pinagbidahan ito ng mga naggagalingan na artista at syempre hindi mawawala ang hindi malilimutang role ni Sylvia bilang isang kontrabida. Marami ang napahanga ang aktres dahil sa kanyang angking talento kung kaya mas dumami pa ang proyekto ang inaalok sa kanya magpahanggang sa ngayon.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Ngunit sa kabila ng tagumpay ay tulad lang din siya ng ibang tao na nakakaranas ng sakuna. Dahil noon 2009 nang dumaan ang bagyong Ondoy ay isa siya sa mga maraming Pilipino ang naapektuhan ng lubos.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Nasira ang kanilang tinitirhang tahanan kung kaya noong nakabangon ang aktres sa sakuna na ito ay hindi siya nagdalawang isip na maghanap nang panibagong bahay. Napag alaman na matagal din silang naghanap ng bahay na malilipatan na mataas at hindi binabaha upang maiwasan ulit ang nangyari sa kanila noon sa Ondoy.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang aktres at ang kanyang asawa na si Art Atayde ay naging daan upang mas gumanda pa lalo ang kanilang kasalukuyang tahanan na kahahangaan ng karamihan.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram

Makikita sa mga sumusunod na larawan ang magandang ginawa ng pamilya ng aktres sa kanilang bagong tahanan. Naaayon sa kasalukuyan panahon ang mga disenyo at talagang napakaganda ang bawat sulok ng tahanan at mapapahanga ka na lang sa ganda at aliwalas nito.




Leave a Reply

Your email address will not be published.