Ipinasilip ni Vhong Navarro ang napakaraming koleksyon niya ng sapatos na lahat nakadisplay sa kaniyang bahay

Kapag ikaw ay mahilig magsuot ng magagandang kasuotan o ‘yong mga nasa uso na dami, para sa iyo ang usapin na ito. Karamihan sa ating mga iniidolo o ‘yong mga tulad din natin na normal na tao lamang ay may kaniya-kaniyang gustong gawing koleksyon. May iba pa nga diyan na mga exotic na hayop o insekto ang napipiling gawing koleksyon.


Photo Courtesy: Vhong Navarro | Youtube





Photo Courtesy: Vhong Navarro | Youtube

Ngunit kapag ikaw ay isang tao na mahilig pumorma o magsuot ng magagandang damit malamang pinangarap mo din na magkaroon ng sariling closet o damitan na parang isang tindahan sa isang mall ang laki.


Photo Courtesy: Vhong Navarro | Youtube

Photo Courtesy: Vhong Navarro | Youtube

Tulad nalang nga ng aktor, komedyante, at dancer na si Vhong Navarro na mayroong isang mala-tindahan sa Mall na closet. Para nga sa karamihan bukod sa pagiging magaling na host, aktor, at mananayaw, kilala rin si Vhong Navarro bilang isang endorser ng mga sapatos.


Photo Courtesy: Vhong Navarro | Youtube

Kung mapapansin nga natin sa Showtime ng Kapamilya channel ay mapapansin natin ang iba’t ibang sapatos na isinusuot ni Vhong araw-araw. Kamakailan naman ay ibinahagi ni Vhong ang kaniyang koleksyon ng magaganda at mamahalin niyang mga sapatos.


Photo Courtesy: Vhong Navarro | Youtube

Ipinakita niya rin ‘yong mga sapatos na kakaiba ang disenyo. May mga disenyo rin ng cartoons at may mga sapatos na talagang ipinasadya ang disenyo. Makikita mo rin dito ang brand na kaniyang ini-endorse na talagang masasabi mong kilalang mga brand.


Photo Courtesy: Vhong Navarro | Youtube





Photo Courtesy: Vhong Navarro | Youtube

Pag-akyat mo naman sa ikalawang palapag ng kaniyang bahay. Makikita mo ang isang napakalaking salamin na nagsilbi ding isang pintuan. Mayroon din hagdanan na nagsilbing isang storage ng kaniyang mga koleksyon ng sapatos.


Photo Courtesy: Vhong Navarro | Youtube


Photo Courtesy: Vhong Navarro | Youtube

Ayon pa kay Vhong na ipinasadya niya talaga ito sa kaniyang architect upang magamit ng husto ang lahat ng espasyo ng kanilang tahanan. Pagpasok naman sa ikalawang palapag ng kaniyang walk-in closet ay makikita mo ang mas marami pang koleksyon ng mga sapatos.


Photo Courtesy: Vhong Navarro | Youtube


Photo Courtesy: Vhong Navarro | Instagram

Masasabi mo talagang parang nasa loob ka ng isang tindahan ng mga sapatos sa dami ng sapatos na naka-display dito. May mga koleksyon din siya ng mamahalin na brand tulad ng Christian Dior, Alexander Wang, at Louis Vuitton na alam naman natin hindi basta-basta ang mga presyo.


Photo Courtesy: Vhong Navarro | Instagram

May mga sapatos din siya na may disenyo ng kaniyang mga naging karakter sa mga pelikula tulad nalang ng Gagamboy, Agent X44, at Mr. Suave na talaga tumatak sa ating mga Pilipino. Hindi lang basta mga sapatos ang makikita sa mga koleksyon ni Vhong, mayroon ding mga kasuotan para sa iba’t ibang uri ng okasyon.




Leave a Reply

Your email address will not be published.