Isa sa mga hinahangaan at iniidolo nating artista sa mundo ng showbiz ay si Kathryn Bernardo. Nagsimula siyang pasukin ang mundo ng showbiz taong 2003 nang gampanan niya ang role bilang si Cielo sa teleseryeng “It Might Be You”.
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram
Sa kaniyang sipag, tiyaga at dedikasyon sa trabaho ay nabigyan siya ng pagkakataong maging isang bida sa TV series na “Super Inggo”, at ito ang naging daan sa pagkakaroon niya ng marami pang proyekto.
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram
Dahil sa kaniyang husay at galing na gampanan ang iba’t-ibang roles na ibinibigay sa kaniya ay ginawaran siya bilang isang Box Office Queen ng kaniyang henerasyon nang maging patok sa mga manunuod ang kaniyang pelikulang “The Hows of Us” at “Hello, Love, Goodbye” na kumita ng mahigit 800 million pesos. Kaya naman, sa haba ng taon niya sa pagiging artista, modelo at endorser ay masasabi nating naging matagumpay na ang kaniyang buhay at marami na rin siyang mga naipundar.
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Youtube
Kaya naman ay masaya niyang ipinakita sa kaniyang pinakabagong vlog ang mga paborito niyang designer bags. Ayon sa aktres, ang mga bags na mayroon siya ay may sentimental value para sa kaniya. Saad pa ng aktres ay mas mahilig at nag-iinvest talaga siya sa mga bags kumpara sa mga sapatos.
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Youtube
Ang una niyang ibinidang bag ay ang pinaka-una niyang bag, ang Louis Vuitton Speedy na kulay pula. Ayon sa aktres, mas mainam raw na bumili ng bag na kulay itim o puti kasi hindi ito mahirap bagayan ng damit na isusuot.
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Youtube
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Youtube
Ipinakita rin niya ang ibinigay sa kaniya ni Daniel Padilla noong kaarawan niya, ang Louis Vuitton Palm Springs at Petit Malle. Nagustuhan ito ng aktres dahil sa maganda ang design at para sa kaniya ay classy ang dating.
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Youtube
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Youtube
Hindi siya mahilig sa malalaking bags, ngunit exception dito ang kaniyan Christian Dior Book Tote na bag, dahil ayon sa aktres ay classic and disenyo at convenient kapag bumibyahe. Hindi rin niya nakaligtaang ipakita ang pinakaginagamit niyang bag, ang Chanel bag na ayon naman sa kaniya ay nabili niya sa Paris noong ika-18 kaarawan niya.
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Youtube
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Youtube
Ibinida niya rin ang Chanel Boy Rainbow na ibinigay sa kaniya ni Karla Estrada noong Christmas.
Kung ating titingnan ay kaya niya naman bumili ng napakaraming bags. Ngunit ayon sa aktres, bumili lamang tayo ng mga bagay na ating kailangan at mapakikinabangan.