Ating silipin ang napakagandang minimalist condo na pagmamay-ari ni Anne Curtis

Minsan ang disenyo at lagay ng isang tahanan ang sumasalamin sa pagkatao ng isang tao. Sabi nga nila makikilala mo ang isang tao base sa kaniyang tinitirhan. Kung kaya’t mas gusto natin na maganda at maayos ang labas at loob ng ating tinitirhan.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Tulad nalang ng aktres na si Anne Curtis na ngayon ay ating bibisitahin ang Condo na kaniyang tinutuluyan. Isa nga si Anne sa pinaka-abalang aktres sa ating bansa. Hindi lang basta abala ang aktres sa pag-gawa ng mga pelikula kung hindi abala din siya sa pagiging commercial model, recording artist, VJ, host, at isang businesswoman na rin.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa katunayan nga ay isa siya sa host sa Showtime ng Kapamilya channel. Siya ay ikinasal sa kaniyang asawa na isang food blogger na si Erwan Heusaff na kapatid ng kaniyang matalik na kaibigan na si Solenn Heusaff. Madami na ring pelikula at mga teleserye si Anne na naisagawa, iilan nga dito ay talagang tumatak sa ating mga Pilipino tulad ng Kampanerang Kuba, Dyosa, at Dyesebel.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Nagbunga lahat ng hirap at tiyaga ng aktres sa kaniyang pagtatrabaho at ngayon nga ay nakapagpundar ng isang mamahaling Condo. Para sa karamihan mahilig ang aktres magbasa ng mga aklat kaya hindi na rin nakapagtataka kung mayroon “reading area” ang kaniyang Condo kung saan makikita ang napakaraming aklat.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Mayroon itong coffee table para makapagkape ang aktres habang nagbabasa ng mga aklat. Makikita mo rin dito ang kaniyang powder room na magbibigay sayo ng kahanga-hangang disenyo. Sa kaniyang kusina naman makikita mo ang minimalist na disenyo at mayroon itong 10 seater dining table.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang dating kuwarto pa ng kaniyang kapatid na si Jasmine Curtis ay ginawang guest room na mayroong queen-sized bed. Kung tutungo ka naman sa master bedroom makikita mo na mayroon din itong queen-sized na higaan. Mayroon din siyang walk-in closet para sa kaniyang mga isinusuot sa mga pelikula o mga TV shows.




Leave a Reply

Your email address will not be published.