Silipin ang modernong tahanan ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez

Sa buhay ng mag-asawa mayroon talagang mga bagay na dalawa niyong haharapin. Hindi puwedeng isa lang ang magdi-desisyon, kung hindi ay dapat kayong dalawa mismo. Tulad nalang nga ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres na gumawa ng isang matapang na hakbang upang makamit ang kanilang bahay sa Makati.


Photo Courtesy: Lucy Torres-Gomez | Instagram




Para sa karamihan naninirahan ngayon ang pamilya Gomez sa Ormoc City kung saan Mayor dito si Richard Gomez. Ngunit dahil na rin sa kanilang sipag at tiyaga ng kaniyang asawa ay may mga lupain at bahay silang naipundar.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Tulad nalang nga ng bahay nila sa Makati kung saan nabili nila noong 2003 sa nagmamay-ari nito na si Ben Chan, isang businessman na siyang nagmamay-ari ng Bench. Nalaman ito ng mag-asawa na ipinagbibili ang bahay na iyon sa Makati ngunit dahil nga sa mataas na presyo ay hindi nila ito agad binili.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa panahon na iyon, si Ben Chan ay mayroon nang biniling lupain malapit sa lugar na iyon kung kaya’t kinumbinsi niya ang pamilya Gomez na bilhin ang ari-arian na iyon. At ito nga ay isang matapang na hakbang para sa mag-asawa.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Iniwan ng pamilya Gomez ang kanilang ari-arian sa Greenhills taong 2014 para lumipat sa kanilang bahay sa Makati. Ayon naman sa architect ng bahay na iyon, ang tema daw nito ay makabago at kaswal na mayroong pagka-femininity.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang ilan naman sa mga kagamitan sa kanilang bahay ay hindi na bago ayon kay Lucy, sapagkat galing daw ang mga ito sa kanilang dating tahanan at ang iba naman ay bigay ng kanilang mga kaibigan at ng kaniyang ina. Dagdag pa ni Lucy na karamihan daw ng gamit sa kanilang bahay ay bigay ng kaniyang ina at ang iba naman ay gamit ni Richard noong siya ay binata pa lang.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sabi pa ni Lucy na gustong-gusto niya raw na napapalibutan siya ng mga kagamitan na mayroong sentimental na halaga para sa kanila. Kung makakapasok ka naman sa kanilang bahay mapapansin mo ang kanilang malawak na living area. Malaki din ang kanilang kusina at inilarawan itong isang “chef’s dream kitchen”.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Kompleto ang mga kagamitan sa kanilang kusina at puro mamahalin pa. Ang lugar na ito raw ay madalas ginagamit para sa get-together sapagkat mahilig ang mag-asawa na mag-imbita ng kanilang mga kaibigan. Ang master bedroom ay halos napintahan lahat ng puti. Malawak din ang kuwarto na ito. Mayroon din itong Painting na nakasabit sa may ulohan ng kanilang kama na gawa mismo ni Geraldine Javier.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang kuwarto naman ni Juliana ay may pagkakatulad sa kulay sa silid ng kaniyang mga magulang.
Mayroon naman green couch na matatagpuan dito. Mayroon namang kahoy na istante sa tabi ng couch kung saan nakalagay ang mga travel souvenirs, trinket, aklat, mga litrato, at mga medals at award para kay Juliana.




Leave a Reply

Your email address will not be published.