Madami sa ating mga iniidolo ang nagsimula sa wala. Kung kaya’t ganoon na rin ang kanilang pagkasabik sa tagumpay. Katulad nalang nga ng aktres na si Yasmien Kurdi at kaniyang asawa na nagsimulang manirahan sa isang studio type na tirahan.
Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram
Dahil nga sa kanilang pagsusumikap at paghihirap ay nakapagpundar na sila ngayon ng mas malaki kumpara sa dati nilang tinutuluyan. Isa na nga rin siguro ito sa kanilang magandang desisyon para na rin sa kanilang anak.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Ang nasabing Condo Unit nga na ito ay masasabi mong napakaganda at magarbo. Ito ay nahanap ng kaniyang asawa na si Rey sa Taguig. Ang nasabing Condo ay mas malaki kaysa sa kanilang nakasanayan na studio type na tirahan.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Mamamangha ka rin sa mga amenities ng Condo na ito pati na rin ang kanilang seguridad. Mayroon din itong CCTV kung saan makikita nila kung saan man pupunta ang kanilang anak na si Ayesha. Kahit sino namang magulang ay tanging seguridad ng anak ang pinaka-prayoridad.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Kung mabibisita mo naman ang kanilang unit, hindi lang basta iisang tema ang mayroon dito. Ang ibang parte ng kanilang tahanan ay magkapanabay at ang iba naman ay moderno ang tema. Ang kanilang kuwarto ay mayroong iba’t ibang hitsura.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Si Yasmien mismo ang in charge sa mga desisyon ng disenyo at dekorasyon. Gusto ng aktres na mayroong kakaibang hitsura ang kanilang unit kung kaya’t iba-iba ang materyales at kulay na kaniyang ginamit dito. Ang lugar nga raw na ito ay hindi malilimutan ni Yasmien sapagkat dito siya nagdalang-tao at napakarami nilang ala-ala rito. Pagpasok mo sa kanilang tahanan ay makikita mo ang kanilang living area kung saan mayroong komportable na sofa at kaakit-akit na mga unan.
Mayroon din itong mesa na maaari mong lagyan ng kung ano man sa loob. Mayroon dito itong dalawang ottomans. Kung titingnan ay mukhang masikip ang kanilang living area ngunit dahil na rin sa disenyo at istilo ng mga gamit ay mukha itong nakaka-engganyo.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Magkalapit lang din ang kanilang living area sa kanilang dining area kung kaya’t maari kang manuod ng magagandang palabas habang masayang kumakain. Ang kanilang dining table ay mayroong four-seater na set-up, saktong-sakto sa kanilang tatlong miyembro ng pamilya.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Mayroon din itong salamin kung kaya’y nagmumukhang malaki ang kanilang hapag-kainan. Nasa gilid din nito ang Gitara ni Yasmien. Sa kanilang kusina naman makikita ang iba’t-ibang litrato ng kanilang pamilya. Ang iba rito ay kuha sa kanilang mga pag-travel.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Ang kanilang pinaglulutuan ay maliit ngunit talagang pinag-isipan at praktikal. Ito nga raw ang pinaka-paboritong lugar ni Yasmien dahil mahilig siyang magluto. Mayroon din itong nagsisilbi bilang “bar” na puwesto at naka-display sa itaas ang kanilang koleksyon ng mga alak.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Bilang isang personalidad kinakailangan talaga na marami siyang mga damit, sapatos, at mga bagay na ginagamit sa kaniyang trabaho. Ngunit sabi ni Rey na ayaw ng kaniyang asawa ang nag-iipon o nagtatambak ng kagamitan kung kaya’t tuwing ika-3 buwan ay ibinibenta niya ang ilan sa kaniyang mga gamit sa pamamagitan ng isang Bazaar.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Ang kuwarto ng kanilang anak na si Ayesha ay perpekto para sa isang maliit na babae tulad niya. Kulay pink ang tema ng kulay ng kaniyang kuwarto na mayroong maliit na study area. Ang lugar na malapit sa kaniyang pinto ay kulay puti upang mapanatili ang balanse ng kulay sa loob ng kuwarto.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Mayroon din lugar dito kung saan espesyal para sa mag-asawa. Sapagkat dito sila nagmumuni-muni habang nagkakape o umiinom ng wine habang pinagmamasdan ang tanawin sa siyudad. Ang kanilang balkonahe naman ay mapupuntahan galing sa kanilang living area o dining area. Ang lugar na ito ang nagbibigay sa kanilang ng tanawin ng amenities ng Condominium.