Ito ang napakagandang condominium unit ng sikat na basketbolistang si James Yap

Ang basketball ang isa sa mga paboritong sports ng mga Pilipino. Hindi natin maaari na palitan ang channel sa tuwing may laban ng basketball ang paboritong team ng iyong ama o kaya ng iyong mga tito.


Photo Courtesy: James Yap | Instagram




Mayroon din tayong hinahangaan na player dahil sa taglay nitong galing na nagpapanalo sa kanyang team na kinabibilangan. Isa na dito si James Yap na magpahanggang ngayon ay hinahangaan pa din sa larangan ng basketball.


Photo Courtesy: James Yap | Instagram


Photo Courtesy: James Yap | Instagram

Sa tagal na niya sa kanyang career ay siguradong nakalikom at marami na itong naipundar na ari- arian. Isa na dito ay ang kanyang Condominium Unit na matatagpuan sa BGC.
Ipinasilip nang magaling na manlalaro ang kanyang condo unit na kung saan mapapahanga ka sa ganda dahil sa napaka modernong mukha nito.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa likod nang magandang disensyo ng condo unit ni James Yap ay ang napakagaling na interior designer na si Kim Policarpio. Masasabi mo na lang sa mga makikita mo sa loob ng condo na ito ay perpekto para sa isang manlalaro na gusto magpahinga matapos ang mabangis at magandang laro sa court.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Ang kulay na matatagpuan sa loob ng condo ay ang mga kulay na paborito ng manlalaro at ito ay nakapagbigay din ng kakaibang vibes na tila nasa isa kang palasyo. Ang mga kagamitan naman na inilagay ng interior designer na si Kim ay custom made na magbibigay ng magandang pahinga kay James matapos ang kanyang laro.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Kapansin-pansin din sa silid pahingahan ni James ang mga magagandang sapatos na nakadisplay na mamamangha ang kahit sino mang kolektor ng sapatos ang makakita. Mala futuristic naman ang datingan ng kitchen ni James dahil sa mga naggagandahang mga appliances na bagay mismo sa kulay at ilaw ng kanyang bahay.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang kanyang kwarto naman ay may malaking higaan at may katabing leather seat na kung saan maaari ka magrelax bago gawin ang bagay na gagawin mo. Tila nasa isang mamahalin at first class kang silid sa isang hotel kung iyong iisipin ang kagandahan ng condo unit ni James Yap.




Leave a Reply

Your email address will not be published.