Silipin ang mala-palasyong tahanan ng ating nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta

Sino nga ba ang hindi nakakikilala sa napakagaling na aktres at singer na si Sharon Cuneta. Marami sa ating mga kamag-anak at mga kaibigan ang kanyang pinaiyak dahil sa husay nito sa pag arte.


Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Instagram





Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Instagram

Maliban sa kanyang galing sa pag-arte ay nariyan pa rin ang mga taong labis na humanga sa taglay na ganda ng aktres. Magpahanggang ngayon na kahit hindi na masyado aktibo ang aktres sa mundo ng showbiz ang pangalan niya ay namamayagpag pa din sa ating mga puso.


Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Instagram

Dahil sa kanyang matagumpay na career sa showbiz ay siguradong marami itong naglalakihang mga ari-arian. Tulad na lamang ng kanyang tahanan na matatagpuan sa Mandaluyong.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Alam naman natin lahat na ang aktres ay masyadong pribado ang buhay at hindi masyado gusto ipakita o ipaalam kung ano ang mayroon siya. Ito ay marahil para sa kanyang seguridad at ng kanyang buong pamilya.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Ngunit nagkaroon ng pagkakataon ang publiko na makita ang napakagandang tahanan na tila palasyo ng aktres na kung saan siya ay nanunuluyan kasama ang kanyang pamilya.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang paligid ng bahay ay napalilibutan nang nagtataasang pader na hindi mo magagawang masilip kung ano ang nasa loob nito.
Bago pumasok ng bahay ay kapansin-pansin agad ang napakalaki at napakagandang pintuan. Sa loob nito sa gilid ay mayroon agad dalawang upuan na napakaganda.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Bubungad pagpasok ng bahay ang Sunburst- and- Cherub Sculpture na napakaganda na galing Paris. Dito sa lugar na ito naghihintay panandalian ang mga bisita ng aktres bago makapasok sa mismong palasyo.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Pagpasok sa loob ay kahanga-hanga na bubungad ang napakagandang hagdanan na tila hagdan na makikita lamang sa mga palasyo o fairytales. Ang bawat palapag ng hagdan ay gawa sa marble at ang railings naman nito ay gawa sa bakal.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Maliban sa pag arte at sa kanyang hilig sa musika ay mahilig din mangolekta ang aktres ng mga naggagandahang mga paintings.
Ang bahay ay binubuo ng dalawang living room na tila galing sa fairytale ang mga disenyo na napaka-elegante kung ating pagmamasdan.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Isang mahabang lamesa na may maraming upuan at magandang chandelier naman ang makikita sa dining room ng bahay ng aktres. Napapalibutan din ito ng mga naggagandahang paintings.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Maliban sa kanyang galing at hilig sa pag kanta at pag arte ay mahilig din ang aktres sa pagluluto kung kaya kapansin pansin ang ganda ng kanyang kitchen room.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang labas naman ng tila palasyong bahay ay napapalibutan ng magagandang halaman at isang malaking swimming pool na kay relax pagmasdan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.