Ito ang napakalawak at magarbo na tahanan ng sikat na hollywood actor na si Jackie Chan

Sino nga ba ang hindi makakilala sa International Star na si Jackie Chan. Mula pagkabata hanggang sa ating pagtanda ay talagang isa na siya sa ating hinahangaan na artista. Kahit nga hindi pinoy at banyaga ang aktor na ito ay talagang napamahal na siya sa ating mga Pilipino.


Photo Courtesy: Jackie Chan | Instagram





Photo Courtesy: Jackie Chan’s House Photographers

Panigurado akong isa ka rin sa napahanga ng aktor na si Jackie Chan. Malamang ay isa ka rin sa kaniyang napatawa sa kaniyang mga comedy-action na palabas. At ngayon ay siguradong mapapahanga ka rin sa kaniyang napakalaki, napakalawak, at napakagarbong tahanan.


Photo Courtesy: Jackie Chan’s House Photographers

Ngunit bago niya makamit ang lahat ng mayroon siya ngayon. Dumaan rin sa matinding paghihirap ang aktor na ito. Sa kaniyang tagal nga sa industriya, napatunayan ni Jackie Chan na ang susi sa tagumpay ay mahabang pasensya at kasipagan. Maraming beses man siyang bumagsak, hindi ito naging dahilan upang tumigil siya para sa kaniyang mga pangarap.


Photo Courtesy: Jackie Chan’s House Photographers


Photo Courtesy: Jackie Chan’s House Photographers

Ngayon nga isa siya sa pinaka-matagumpay na aktor sa buong mundo. At dahil nga dito ay nakapagpundar siya ng maraming ari-arian at mga lupain. Isa nga sa kaniyang naipundar ay ang kaniyang napakalaking bahay sa Beverly Hills.


Photo Courtesy: Jackie Chan’s House Photographers





Photo Courtesy: Jackie Chan’s House Photographers

Ang bahay na ito ay nakatayo sa 30,000 sq.m. na lupain at may sukat na nasa 7,600 sq. ft. Bago ka makapasok sa bahay na ito, dadaan ka muna sa double steel gate. Ang nasabing tahanan ay mayroong kahanga-hangang living area at magarbong dining area.


Photo Courtesy: Jackie Chan’s House Photographers

Mayroon din ditong family room na mayroong step-down bar para sa mahihilig sa alak. Pagdating mo naman sa kusina mapapansin mo agad ang naglalakihang mga estante. Kulay puti namang ang tema ng kulay ng lugar na ito.


Photo Courtesy: Jackie Chan’s House Photographers


Photo Courtesy: Jackie Chan’s House Photographers

Mayroon din ditong napakalaking swimming pool na may kasamang spa at waterfall na disenyo. Hindi rin mawawala ang gym sa loob ng bahay kung saan nag-eehersisyo ang aktor. Ang bahay ang isa sa patunay na kung pagsusumikapan mo ang iyong pangarap, ito ay iyong makakamit.




Leave a Reply

Your email address will not be published.