Silipin ang napakalinis at ganda na tahanan ng aktres na si Cristine Reyes

Isa na nga siguro sa senyales na tayo ay nagkaka-edad na ay ang pagiging maselan natin sa lugar. Lalo na sa sarili nating tahanan. Gusto natin na lagi itong malinis, maaliwalas, at maayos.


Photo Courtesy: Cristine Reyes | Instagram




Tulad nalang nga ng tahanan ng napakagandang aktres na si Cristine Reyes. Sigurado ako na lahat ng kalalakihan ay kilala ang aktres na ito. Napahanga, nahumaling, at bumilib sa kaniyang galing sa pag-arte.


Photo Courtesy: Cristine Reyes | Instagram

Mapa-aksyon, drama, comedy, o romantiko man yan ay siguradong kayang-kaya niyang gampanan.
Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit isa siya sa pinakamatagumpay na aktres sa mundo ng show business.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Dahil sa kaniyang hirap at tiyaga ay nakapundar na siya nang hindi basta-basta na mga ari-arian. Tulad na lang ng kaniyang bahay ngayon na matatagpuan sa may timog ng Metro Manila.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang naging renovation nga ng kaniyang bahay ay umabot ng 3 buwan at hands-on ang aktres dito. Siya rin ang pumili at bumili ng mga kagamitan dito, kahit ‘yong kulay na ginamit sa mga lugar sa loob ng kaniyang tahanan ay siya mismo ang namili.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Bagay na bagay ang kulay puti na kaniyang napili para sa disenyo ng kaniyang tahanan. May inilagay din ang aktres na mga pailaw para mas magmukhang tahimik at payapa ang kaniyang tahanan. Nabili ni Cristine Reyes ang nasabing bahay bago pa man siya ikasal.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang kaniyang living-area ay maliwanag na nagmumula sa natural na ilaw ng araw galing sa kaniyang napakalaking glass door. Mayroon din malaking sofa kung saan komportableng umupo. Nilagyan niya rin ito ng built-in shelves kung saan naka-display ang iba’t ibang uri ng kaniyang knickknacks.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Kulay puti rin ang tema ng kulay sa kanilang hapag-kainan maliban sa dingding na kulay lime green para magbigay buhay sa lugar na iyon. Ipinasadya naman ang gamit nilang leather chairs at marble na lamesa.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Malawak naman ang kanilang kusina at may mga disenyo ng kahoy. Mayroon ding maliliit na halaman na makikita rito. Pag-akyat mo naman sa kanilang ikalawang palapag bubungad sa iyo ang maaliwalas na vibe at isang komportableng upuan. Mayroon ding mga painting at litrato na nakasabit sa dingding.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Dahil na rin sa hilig ni Cristine Reyes na manuod ng mga movies. Kaya naisipan niyang maglagay ng Entertainment Room sa kaniyang tahanan. Malawak ang lugar na ito, may malaking sofa, TV, at isang center table na puwedeng lagyan ng mga pagkain o maiinom. Para itong maliit na sinehan.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang dingding sa kuwarto Cristine Reyes ay pinagsamang kulay gray, lavender, and cream wallpaper. Mayroon ding dalawang side tables na makikita katabi ng kaniyang malaking kama. Madalas na pagtambayan ng aktres ang balkonahe ng kaniyang kuwarto na nagbibigay sa kaniya ng tanawin ng kanilang harden.

Ang kaniyang bathroom naman ay malawak at halos kulay pula ang nakapinta. Mayroon ding salamin sa cabinet ng kaniyang CR para magbigay ng mas malaking hitsura. Hindi rin mawawala ang walk-in closet sa katulad niyang personalidad sa show business. Maaliwalas at maayos rin ang lahat ng mga gamit dito.




Leave a Reply

Your email address will not be published.