Ito ang napakagandang tahanan ng artistang si Rufa Mae Quinto na labis hinangaan ng kaniyang mga fans

Dahil sa social media ay naibabahagi ng ating mga paboritong artista ang kanilang mga nakamit sa buhay. Marami sa mga kilalang mga artista ang masaya na nakakapagbigay ng inspirasyon sa bawat kanilang tagasubaybay.


Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram




Bawat isa sa kanila ay nagbabahagi ng kani-kanilang bunga ng paghihirap at tiyaga tulad ng bago nilang bahay, sasakyan o kaya negosyo. Hindi naman natin mapigilan ang ating sarili na humanga at mangarap na maging tulad nila balang araw.


Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Gaya na lamang ng isa sa mga sikat na artista at komedyante na si Rufa Mae Quinto na maraming napahanga dahil sa kanyang napakagandang bahay. Si Rufa Mae Quinto- Magallanes ay isang kilalang komedyante at aktres na ipinanganak noong Mayo 28, 1978.


Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Kasalukuyang ay 43 taon na ang aktres ngunit hindi mo mapapansin ang pagtanda niya dahil sa taglay pa din nitong kagandahan na hindi kumukupas. Matatandaan na noong 2016 ay nagpasakal siya sa kanyang asawa na si Trevor na nakilala niya sa US noong nag tour siya.


Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram


Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Hindi katagalan noong 2019 ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nanganak ang aktres nang napakacute na batang babae na pinangalanan nilang Athena. Isa siya sa mga magaling na artista na hindi natin malilimutan dahil sa kanyang angkin na galing.


Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram





Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Hindi man aktibo ngayon ang aktres sa showbiz ay maaari pa din natin siya masubaybayan sa kanyang youtube channel at social media. Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng mga litrato ng kanyang napakagandang tahanan na ikinamangha ng kanyang mga tagasubaybay.


Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram


Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Mapapansin sa mga litrato na ibinahagi ng aktres ang magandang disensyo ng kanyang tahanan. Simple ngunit malakas ang dating dahil sa white and gray combination ng pader at mga kagamitan. Tila nasa isang mamahalin ka na kwarto sa isang hotel na masarap magpahinga.


Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram


Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Ang mga bagay na ito ay bunga ng sipag at tiyaga ng aktres at nang kanyang asawa na nagtratrabaho sa ibang bansa. Pinagtulungan nilang dalawa ito upang magkaroon ng isang bahay na magiging komportable sila buong pamilya.




Leave a Reply

Your email address will not be published.