Silipin ang napakagandang bahay ni Bea Alonzo sa Quezon City

Isa sa mga batikang aktres na magpahanggang ngayon ay inaabangan nang nakararami ay si Bea Alonzo. Dahil sa kanyang walang kupas na ganda at galing sa pag-arte ay marami pa din ang dumadating na mga proyekto para sa aktres. Kung kaya hindi na din nakapagtataka kung marami na itong naipundar na mga ari-arian.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram




Kung ating natatandaan ay naibahagi na din ni Bea Alonzo ang napakalaking farm nilang pamilya na matatagpuan sa Zambales. Marami sa mga tagahanga na nakakita nito ay hindi magkandamayaw dahil sa lawak at hitik sa mga pananim na farm.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram

Atin naman dalawin ang napakagandang bahay ng aktres na matatagpuan sa Quezon City. Sa likod ng napakagandang bahay ni Bea ay ang napakagaling na designer na si Jeizele Delos Reyes-Go.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ikinuwento ni Go kung paano niya ginawa lahat ng bagay na gusto mangyari at maging mukha ng bahay ni Bea. Dagdag pa niya na ang bahay ni Bea ay ipinaghalong traditional at modern Asian Style na kahit sino man ang makakita ay mapapahanga.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa entrada pa lamang ng bahay ng aktres ay mapapahanga ka agad sa disenyo nito. Sa labas pa lamang ay kapansin-pansin na agad ang magandang gate na tila kahoy. Pagpasok sa bahay ay bubungad ang napakagandang sala na kulay puti ang mga pader samahan din nang puti, itim at pula na mga gamit.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Mas lalong nagmukhang nakamamangha ang sala ng aktres dahil sa napakaganda nitong Chandelier.
Sa kanyang powder room naman ay tila nasa loob ka ng mamahaling silid na matatagpuan lamang sa mga high star rating na hotel.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Samantala ang kanya naman silid kainan ay napakakulay na mayroong naggagandahang kagamitan tulad nang malambot na upuan. Dahil sa ganda ng atmosphere ay mapapakain ka ng marami nang hindi mo inaakala.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Mas marami ang namangha nang malaman na mayroon din palang sariling Sauna Room ang aktres sa sarili mismo niyang bahay. Sabayan pa nito ng napakaganda at napakalaking pool na matatagpuan sa likod ng nito. Tulad nang kagandahan ng aktres ay gayundin kaganda ang bawat sulok ng kanyang tahanan na talaga naman mapapahanga ka.




Leave a Reply

Your email address will not be published.