Ipinagdiwang ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie ang kaniyang ika-animnapung kaarawan kaarawan

Ang kaarawan natin ang isa sa pinakamahalagang araw ng ating buhay na hindi natin nakakalimutang gunitain. Sapagkat ito ang araw na siyang nagpapaalala sa atin sa mga nagawa at nakamit natin sa bawat taon na lumilipas.

Photo Courtesy: Dina Bonnevie | Instagram





Photo Courtesy: Dina Bonnevie | Instagram

Kamakailan lamang ay ginunita ng sikat na aktres na si Dina Bonnevie ang kaniyang ika-60 kaarawan. Makikita sa Instagram account ng aktres ang kaniyang mga ibinahaging larawan kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay at maging malalapit na mga kaibigan.


Photo Courtesy: Dina Bonnevie | Instagram


Photo Courtesy: Dina Bonnevie | Instagram

Mababasa rin dito ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa mga taong naging parte ng kaniyang espesyal na araw na talagang nagbigay sa kaniya ng kaligayahan. Ayon sa aktres, ay gusto niyang ipaabot sa lahat ng taong tumulong ang kaniyang pasasalamat, mula sa mga taong naghanda ng pagkain, nagbigay ng magagandang bulaklak, cake at mga balloons, dahil sa kanila ay naging espesyal, masaya at napuno ng pagmamahal ang kaniyang kaarawan.


Photo Courtesy: Dina Bonnevie | Instagram





Photo Courtesy: Dina Bonnevie | Instagram

Hindi nila alintana ang kinakaharap at pinagdadaanan nating pagsubok ngayon, ang mahalaga sa kanila ay mabigyan nila ng masayang kaarawan ang aktres na si Dina. Pinasalamatan din ng aktres ang kaniyang asawa at ang kaniyang stepdaughters para sa kanilang inilaang surpresa para sa kaniya. Nagbigay din siya ng isang taos-pusong pasasalamat sa kaniyang mga apo.


Photo Courtesy: Dina Bonnevie | Instagram


Photo Courtesy: Dina Bonnevie | Instagram

Nagpapasalamat din ang aktres sa kaniyang mga anak na sina Danica Sotto at Oyo Boy Sotto at maging sa kani-kanilang mga asawa na sina Marc Pingris at Kristine Hermosa dahil sa tiniis nilang hirap para lamang makapagbyahe at makasama sa kaniyang espesyal na araw.


Photo Courtesy: Dina Bonnevie | Instagram


Photo Courtesy: Dina Bonnevie | Instagram

Saad ni Dina, maraming salamat sa inyo at mahal na mahal ko kayo, kasi kung wala kayo ay hindi magiging masaya at kompleto ang aking kaarawan. Nagsulat ng mensahe si Danica para sa kaniyang ina sa mismong kaarawan nito na nagsasabing, pinasasalamatan niya ang Panginoon dahil binigyan sila ng isang matatag, matapang at magandang ina. Maligayang kaarawan Ma! Mahal na mahal ka namin.




Leave a Reply

Your email address will not be published.