Ito ang munting pasilip sa napakagandang bahay ng aktor na si Daniel Padilla

Marami tayong mga pangarap sa buhay ngunit hindi natin ito kaagad nakakamit. Mayroon naman ibang mga tao na kung saan sa murang edad ay nakukuha nila ang mga bagay na gusto nila sa buhay. Ito ay nang dahil sa tiyaga at sipag na mayroon sila. Lahat naman tayo ay may tamang oras na makakamit natin ang mga bagay na pinapangarap natin sa buhay.

Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Tulad na lamang ng isa sa mga sikat na aktor sa panahon natin ngayon na si Daniel Padilla. Sa murang edad ay nakabili agad siya ng kanyang sariling bahay na kung saan ay kasama niya ang kaniyang buong pamilya.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang bahay na ito ay matatagpuan sa isang magandang subdivision sa Quezon, City. Ito ay may lawak na 1,000 sqm at may disenyo na gawa ng isa sa mga magagaling na architect na si Marie-Louie Torres-de Leon. Mediterranean style ang disenyo ng tahanan na ito ni Daniel Padilla na talagang mapapahanga ka sa sobrang ganda. Sa disenyo pa lamang nang bahay ng aktor ay panalo na dahil sa ganda ng pagkakagawa ng landscape nito.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Pagpasok sa bahay ay kapansin-pansin na agad ang sobrang laking sala na kung saan makikita ang mga nag-gagandahang kagamitan na gawa sa kahoy. Makikita mo rin ang mga nag-gagandahang Chandelier na talagang lumabas ang ganda dahil sa tamang combination ng kulay ng mga gamit at pader.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Pagdating naman sa kanilang kusina ay tila nasa isang mamahaling restaurant ka dahil sa ganda ng ambiance at talagang mapapadami ka ng kain dahil sa ganda ng mga kagamitang nakapaligid sa iyo. Classy naman ang dating ng kanilang powder room dahil agaw-pansin ang chandelier at disenyo nito.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Samantala, hindi lang isa ang kanilang sala kundi dalawa ganoon din ang kanilang dining area. Ang pangalawang sala ay simple lamang ang dating ngunit komportable kung ikaw ay nais magpahinga. Hindi mo naman aakalain na ang patungo sa kwarto ng aktor ay tila isang bookshelf ngunit ito pala ay pintuan.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Simple lamang ang kanyang kwarto at talagang masasabi mo na hilig talaga ng aktor ang makinig sa iba’t-ibang music. Malaking pasasalamat naman ng kanyang ina dahil sa murang edad ay nakapagpundar agad ng tahanan ang kaniyang anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published.