Ito ang napakagandang Glass House ng mag-partner na sina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao

Sino nga bang hindi makakakilala sa tinaguriang “Divine Diva” ng ating bansa. Hindi lang sa larangan ng musika kilala ang personalidad na ito kung hindi ay kilala rin sa mundo ng show business. Siya ay walang iba kung hindi si Zsa zsa Padilla na dating karelasyon ng “Comedy King” na si Dolphy.


Photo Courtesy: Zsa Zsa Padilla | Instagram




Siguradong isa ka sa kaniyang napahanga sa galing niya sa pagkanta, at siguradong nahumaling ka rin sa kaniyang galing sa pag-arte. Ngayon nga ay masaya sa kaniyang buhay pag-ibig ang batikang mang-aawit na si Zsa Zsa Padilla sa kaniyang bagong karelasyon na si Conrad Onglao. Isang matagumpay na arkitekto sa ating bansa.


Photo Courtesy: Zsa Zsa Padilla | Instagram

Bagamat hindi man ang isa’t-isa ang kaniya-kaniyang unang naging karelasyon. Hindi naman ito naging hadlang para magkaroon sila ng totoong pagmamahalan at masayang pagsasama. Nagkakilala ang dalawa dahil kay Sharon Cuneta kung saan ay pareho nilang kaibigan.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ngayon nga ay masaya ang dalawang nagsasama sa kanilang moderno at magarbong tahanan na si Conrad mismo ang siyang arkitekto ng bahay. Talaga ngang mapapahanga ka sa kanilang tatlong palapag na tahanan lalo na tuwing gabi dahil makikita mo ang magandang lighting na tumatagos dahil sa glass window na mayroon ito.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Talaga nga namang makabago at magarbo ang tahanan na ito sapagkat mayroon itong sariling elevator upang madali mong marating ang baba at taas na palapag ng tahanan na ito. Aminado naman ang magkapareha na hagdan pa rin naman daw ang madalas nilang ginagamit.





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sabi pa ng arkitekto ng bahay na ito na si Conrad mismo na ayaw niya raw ng may mga harang sa kanilang tahanan kung kaya’t wala raw gate ang kanilang bahay. Nilagyan niya naman ito ng mga security system upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Dagdag pa ni Conrad na dagdagan niya pa raw ang mga CCTV camera sa kanilang tahanan upang masiguro ang kanilang seguridad. Ang tahanan na ito nga ay napakaganda, mayroon ditong mga ferns, elephant ears, Buddha belly, at selloums. Mayroon ding chesa, puno ng mangga, at puno ng macopa. Hindi riyan nagtatapos sapagkat entrance pa lang ito.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Pagpasok mo nga sa kanilang bahay ay mamamangha ka sa ganda ng loob nito. Mahangin at maliwanag sa loob dahil sa natural na sinag na nagmumula sa kanilang glass window. Pagdating mo naman sa living area ay talagang bibilib ka sa ganda ng pagkakadisenyo nito sapagkat mula lapag hanggang kisame ang glass panel nito. Kung kaya’t mukhang malawak ang kanilang living area.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Mayroon din itong L-shaped na sofa, malinaw na glass coffee table, at alpombra na may disenyo ng balat ng zebra. Makakakita ka rin dito ng iba’t ibang uri ng halaman. Katabi naman ng kanilang living area ang isang grand piano.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Hindi man marunong si Conrad magpiano ay nagdisesyon pa rin itong mag-invest dito. Nagbigay naman ito ng kagandahan sa lugar. Pagdating naman sa kanilang dining area makikita mo na napapalibutan din ito ng mula lapag hanggang kisame na mga glass panel.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Kulay puti naman ang tema ng kanilang kusina kung saan nagbigay ng pagka elegante ng lugar. Mayroon din silang dirty kitchen kung saan sila naghahanda ng pang araw-araw na mga makakain. Mapapansin mo rin na walang mga dingding ang mga lugar sa kanilang unang palapag.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Talagang kapansin-pansin ang kanilang hagdanan dahil sa makabagong disenyo nito. Sa ilalim nito makikita mo ang dalawang obra ni Anita Magsaysay-Ho na regalo mismo sa kaniya ng pintor. May parte naman ng hagdan na makikita mo ang kagandahan ng kanilang unang palapag.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Pagdating mo sa ikalawang palapag mayroon itong isa pang living area. Mayroon itong higaan kasama ng iilang round side table at isang upuan. May lugar naman sa ikalawang palapag na bihira lang mapuntahan ng dalawa kung kaya’t dito na lamang siya nag-eehersisyo.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang kanilang bahay ay napapalibutan ng iba’t-ibang uri ng mga halaman at mga puno. Ang tanawin sa labas ay talagang kahanga-hanga. Ang disenyo nito ay si Conrad mismo ang may gawa. Pagdating mo naman sa kanilang roof deck ay talagang mapalapit ka sa kalikasan dahil mayroon din itong mga tanim na mga halaman.

Mula rito ay makikita mo rin ang Makati Skyline. Sa lugar na ito madalas magrelax ang magkapareha. Pagdating mo naman sa kanilang master bedroom talagang mapapahanga ka sa magarbong disenyo nito. Sabi pa ni Conrad na ang sukat daw ng taas ng kuwarto nila ay puwedeng maging dalawang palapag sa taas.

May tatlong paintings na nakasabit ang makikita mo sa ulohan ng kanilang kama. Sa gilid naman ng kanilang kama ay mayroon iilang pigurin na iyong makikita upang mas kaaya-aya tignan ang kanilang kuwarto. Mayroon din upuan dito kung saan sila nagtatrabaho o nagbabasa ng aklat.

Pagpasok mo namang sa kanilang master’s bathroom ay mapapansin mong kakaiba ito. Sapagkat mayroon itong his-and-hers na tema. Dalawa ang shower area nito, mayroon ding upuan at mesa sa loob ng kanilang bathroom. Mayroon din itong napakalaking salamin.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *