Ibinahagi ng aktres na si Angel Locsin kung paano siya nagsimula at nadiskubre bilang isang artista

Namamangha at natutuwa tayo sa mga kwento ng bawat artista kung paano sila nagsimula sa mundo ng showbiz. Sa kabila ng kanilang kasikatan ay interesado tayong malaman kung paano nga ba nila narating, nasungkit at napagtagumpayan ang mga pagsubok upang makilala sa mundo ng showbiz.


Photo Courtesy: Angel Locsin | Instagram




Isa na rito ang aktres na si Angel Locsin na talaga namang nakakatuwa ang pinagdaanan bago siya makilala at marating ang mga bagay na mayroon siya ngayon. Ito ay kaniyang ibinahagi ng minsan siyang nag-guest sa morning show ng Kapamilya Network na Magandang Buhay, kung saan ay hiniling sa kaniya ng host na si Melai na ikwento sa kanila at sa mga manunuod kung paano siya natuklasan at nakilala sa showbusiness.


Photo Courtesy: Angel Locsin | Instagram


Photo Courtesy: Angel Locsin | Instagram

Ayon kay Angel, nagsimula ang lahat ng minsang nasa grocery sila ng kaniyang kaibigan, nakita niya ang isang lalaki sa isang lutohan na tumitingin sa kaniya. Kasunod nito ay parang isang eksena na makikita sa comedy film kung saan ay tinangka siyang lapitan ng lalaki, dahil dito ay agad siyang tumakbo sa takot na baka saktan siya ng lalaki.


Photo Courtesy: Angel Locsin | Instagram





Photo Courtesy: Angel Locsin | Instagram

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, napunit ang dala niyang grocery bag kung kaya ay naabutan siya nito. Salungat ng kaniyang inaakala, inabutan siya ng lalaki ng isang calling card, ang gusto lamang pala nito ay hilingin na maging commercial model siya.


Photo Courtesy: Angel Locsin | Instagram


Photo Courtesy: Angel Locsin | Instagram

Sa kagustuhan niyang matulungan ang kaniyang pamilya kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang dumating na pagkakataon sa kaniya. Agad niyang tinanong kung magkano ang ibabayad sa kaniya. Dagdag pa ng aktres na nanggaling siya sa mahirap na pamilya.


Photo Courtesy: Angel Locsin | Instagram

Ito ang nag-udyok at naging sandalan niya upang hindi indahin ang hirap na ginagawa niya at dahil na rin sa murang edad ang tanging hangad niya lamang ay kumita at makatulong sa kaniyang pamilya. Sa kabila ng lahat ng ito, isa si Angel Locsin sa mga hinahangan, tinitingala at respetadong star sa Philippine showbiz.




Leave a Reply

Your email address will not be published.