Ipinasilip ni Dimples Romana ang kanilang napakalaking ari-arian na matatagpuan sa Cavite

Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na makamit mo ang lahat ng iyong pangangailangan at mga luho. Ito man ay sa pamamagitan ng pagbili ng mga mamahaling bahay, sasakyan, o mga pang sariling kasiyahan mula sa iyong pinaghirapan.


Photo Courtesy: Dimples Romana | Instagram




Hindi naman siguro masamang bigyan ng reward ang sarili mula sa paghihirap at pagtitiyaga sa iyong trabaho. Upang kahit papaano ay magbigay ito sa iyong sarili ng kaginhawaan sa lahat ng pagod na iyong nararamdaman.


Photo Courtesy: Dimples Romana | Instagram

Bukod pa dito ay napakasarap din na maibigay ang pangangailangan ng iyong pamilya. Kung ang pagbili ng mga simpleng bagay ay nagbibigay na sa iyo ng kasiyahan, ano pa kaya kung ikaw ay nakakuha at nakapagpundar ng napakalaking lupain. Lupain kung saan maaari mong ipatayo ang iyong sariling dream house.


Photo Courtesy: Dimples Romana | Instagram

Dito sa ating bansa alam naman natin kung gaano kamahal ang bumili ng house and lot, kung kaya’t ikaw ay suwerte kung makakakuha ka ng sarili mong malawak na lupain.

Photo Courtesy: Magandang Buhay | Youtube

Madami na rin sa mga personalidad ang nakapagpundar ng kani-kanilang ari-arian. Ang iba ay ginawang business ang nabiling lupain, ang iba naman ay nagpagawa ng sariling bahay-bakasyunan, at ang iba naman ay ginawa itong farm kung saan nag-alaga ng mga hayop at nagtanim ng mga halaman.


Photo Courtesy: Magandang Buhay | Youtube


Photo Courtesy: Dimples Romana | Instagram




Isa nga sa masuwerte na nakapagpundar ng sariling malawak na lupain ay ang batikang aktres na si Dimples Romana. Kung sa kaniyang mga nakaraang karakter na ginampanan ay isa siyang kontrabida sa totoong buhay siya ay isang mapagmahal na asawa at isang ina.


Photo Courtesy: Dimples Romana | Instagram


Photo Courtesy: Magandang Buhay | Youtube

Ang aktres ay napakagaling humawak ng kaniyang pera at sinisigurado niya sa tama ito napupunta. Sa katunayan nga ay marami na siyang naipundar ng mga lupain. Isa nga rito ay ang kaniyang naipundar sa probinsya ng Alfonso, Cavite kung saan ay pinapangarap niya lang noon.


Photo Courtesy: Magandang Buhay | Youtube

Ito nga raw ang dahilan ng kaniyang pagsisipag sa trabaho kaya para sa kaniya importante ang lupain na ito. Sabi pa niya na ipinagmamalaki ng kaniyang malapit na kaibigan na sina Bea Alonzo at Angel Locsin ang kaniyang nakamit at naipundar.


Photo Courtesy: Dimples Romana | Instagram

Plano niya na maglagay dito ng kaniyang sariling harden. Ang batikang aktor na si Tirso Cruz III ay nagbigay ng kaniyang payo para kay Dimple na talagang hindi niya makakalimutan. Sabi niya na kapag nagtrabaho ka ng husto lalo na kapag may gusto kang makamit o makuha, ito ay ibibigay sayo ng Diyos.




Leave a Reply

Your email address will not be published.