Totoo nga na sipag at tiyaga ang kailangan upang maabot ang ating mga pangarap. Patunay ito ng narating ng aktres na si Jennylyn Mercado na nagsimulang makilala nang manalo siya sa Starstruck ng Kapuso channel.
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram
Naging kabilaan ang kaniyang mga proyekto, mga palabas, at mga guesting. Dahilan nga nito upang maipundar niya ang kaniyang napakalawak na bahay sa Quezon City. Dahil sa kaniyang sipag, tiyaga, dugo, at pawis kaya niya naipundar ang ari-arian niya na ito.
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Ang bahay na ito ay kaniyang ipina-renovate patungo sa makabagong disenyo. Gusto ng aktres na mapuno ito ng pinagplanuhan na mga ari-arian at gusto niya rin na elegante at maaliwalas din ito. Mukha nga raw itong isang apartment sa New York City.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Mula sa ordinaryong bahay, nagawa niya itong baguhin sa isang kaaya-aya at relaxing na tahanan kung saan maari siyang magpahinga pagkatapos ng kaniyang trabaho. Pagpasok mo sa kanilang bahay bubungad sa iyo ang isang relaxing at maaliwalas na vibe.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Bubungad din sayo ang kanilang dining area kung saan mayroong mahabang mesa para sa malaking pamilya. Mayroon din itong sampung mga upuan na kaaya-aya at nakakarelax na upuan. Pagdating naman sa kanilang living area makikita mo ang isang acoustic guitar at isang maliit na grand piano sa kabilang gilid nito.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Nabuo ang kaniyang hilig sa musika nang sumali siya sa Starstruck dahilan kung bakit marunong siya mag-gitara at mag-piano. Mayroon ding relaxing na couch at mga upuan na makikita mo rito. Sa ilalim naman ng kanilang sofa ang isang malaking alpombra na may disenyong guhit-guhit na nagdagdag ng kulay sa lugar na ito.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Mayroon din powder room dito na ginagamit ng mga bisita. Upang mapanatili ang fresh smell at linis nito, mayroon silang ginagamit na reed diffuser. Pagdating naman sa kanilang kusina mapapansin mo ang kanilang mamahalin na mga appliances dito.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Mayroon ding extra room na matatagpuan sa kanilang unang palapag. Ito ay nagsisilbing lugar kung saan siya at ang kaniyang bisita ay nanunuod ng TV. Ang extra room na ito ay guest room din kung saan may sariling bathroom.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Mayroon din itong tatlong reclining chair kung saan mararamdaman mong parang ikaw ay nasa isang sinehan. Sa may hagdan makikita mo ang mga litrato ng aktres, kaniyang anak, at ni Mommy Lydia. Ang iba naman ay ang kaniyang training, races, at mga travels.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Ang kuwarto naman ng kaniyang nag-iisang anak na si Alex Jazz ay tipikal na kuwarto ng isang batang lalaki. Madaming mga laruan na koleksyon na nakaayos sa mga istante. Ang silid naman na ito ay mayroong Star Wars na tema. Ang kuwarto naman ni Jennylyn ay ibang-iba sa mga silid na mayroon ang kanilang bahay.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Ito ay may pagka-masculine. Ang disenyong ito raw ay galing pa sa London at New York na mga apartments. Mayroon ding painting dito na obra ni Benedicto Cabrera. Mayroon din itong study table kung saan nagsilbi ring working area at entertainment area.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Bukod sa agaw-pansin na collection ng vinyl records mayroon din ang aktres na gaming console. Makikita mo rin ang kaniyang mga bike na ginamit sa kaniyang mga karera. Isa nga rito ay ang kaniyang ginamit sa kaniyang hindi malilimutan na karera sa Bataan.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Sa kaniyang bathroom naman makikita ang isang corner tub, open shower area, at double sink na para sa isang Spa. Konektado naman ito sa kaniyang walk-in closet. Katulad ng ibang artista mayroon din siyang malaking walk-in closet para sa koleksyon ng kaniyang mga damit, sapatos, at iba pang kagamitan sa kaniyang trabaho.