Bisitahin ang napakalaking Dream House ng sikat na aktor na si Alden Richards sa Laguna

Hindi lahat nang kilala nating artista ay nagsimula sa showbiz na may kaya na sa buhay. Ang iba sa kanila ay tulad lang din ng mga ordinaryong mamamayan na nangarap at nagtiyaga upang makamit ang mga pangarap.


Photo Courtesy: Alden Richards | Instagram





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Dumaan sila sa butas ng karayom bago pa man sila matuklasan at sumikat sa kanilang mga unang proyekto. Hanggang sa dumating na ang panahon na naging sikat sila at lubos na nakilala sa mundo ng showbusiness.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Katulad na lamang ng isa sa mga nagpakilig na artista sa atin na si Alden Richards dahil sa kanilang tambalan ni Maine Mendoza na binansagang AlDub.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Dahil sa sipag at tiyaga ni Alden ay nakapagpundar siya ng kanyang sariling bahay sa Laguna kung saan silang buong pamilya ang nakatira. Ang bahay na nabili ng aktor ay dati nang tapos at dinagdagan na lamang niya ito ng sarili niyang mga disenyo na mas lalo pang nagpaganda rito.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Dahil sa tulong ng mga magagaling na arkitekto at interior designer ay nakamit niya ang nais niyang disenyo para sa kanyang bahay. Buong puso niya itong tinutukan mula sa pagpili ng mga kulay ng bawat pader hanggang sa mga gamit na makikita sa loob nito.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Pagpasok pa lamang sa bahay ng aktor ay bubungad na agad sa iyo ang napakagandang sala na napapalibutan ng mga puting kagamitan at samahan pa ng modernong kagamitang gawa sa kahoy. Ang mga gamit na ito ay bagay na bagay sa bawat kulay at sulok ng bahay ni Alden.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Hindi din naman magpapahuli ang kainan, veranda at bathroom ng aktor na simple lamang tingnan ngunit malakasang dating dahil sa naggagandahang mga gamit na makikita dito.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Samantala sa kwarto naman ng aktor makikita ang kanyang mga naggagandahang koleksyon tulad ng full size statue ni Iron Man at mga small collectors’ items ng mga iba’t-ibang karakter. Marami sa mga netizens ang humanga at nagandahan sa simple ngunit malakas na dating ng bahay ni Alden.




Leave a Reply

Your email address will not be published.