Ito ang napakagandang customized Van ni Kim Chiu na itinuturing niya na rin na kaniyang pangalawang tahanan

Wala nang mas sasarap pa sa pahinga matapos ang buong araw na trabaho. Malamang ito nga ang madalas nating inaasam-asam sa ating pang-araw-araw. Ngunit ito ay hindi nakakamtan lalo na ng mga taong nag-cocommute lang pauwi ng kanilang bahay o ‘yong mga manggagawa na malayo ang trabaho sa kanilang tahanan.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram




Sa ating bansa hindi na maiiwasan ang traffic na siguradong sakit sa ulo hindi lang sa mga nag-cocommute kung hindi pati na rin sa mga may sasakyan. ‘Yong tipong pagod kana sa trabaho, pagod ka rin sa byahe.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram

Kaya naman masuwerte ‘yong mga tao na may kakayahang magpundar at gumastos para sa mga malalaking sasakyan na maari mong gawing iyong pangalawang tahanan. Ito ay ‘yong tinatawag din nilang travel van kung saan halos lahat ng kailangan mo sa isang bahay ay makikita mo rito.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube

Ito nga ay nauso lalo na sa mga personalidad sa show business kung saan husto nilang nagagamit hindi lang sa pagtravel kung hindi pati na rin sa kanilang trabaho. Tulad nalang ng aktres na si Kim Chui na masayang ibinahagi ang kaniyang mini house sa loob ng kaniyang napakalaking van.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube

Hindi na rin nakapagtataka kung paano siya nakapagpundar ng ganitong klaseng ari-arian sapagkat noong siya ay sumali ng Pinoy Big Brother ng kapamilya channel ay nagtuloy-tuloy na ang takbo ng kaniyang karera.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube




Kabilaan nga ang kaniyang mga naging proyekto mapa-pelikula man o mga guesting sa mga TV shows. Sunod-sunod din ang kaniyang naging mga commercials at pag-endorse ng mga sikat na produkto sa ating bansa.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube

Dahil nga sa kaniyang sunod-sunod na proyekto sa trabaho kaya naisipan ng aktres na dalhin ang kaniyang bahay sa kaniyang trabaho. Alam nating malabo ito kaya ang ginawa niya ay nagpagawa siya at nagpundar ng isang Van na mayroong mini house sa loob nito.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube

Halos lahat nga ng kaniyang kinakailangan sa loob ng bahay ay nasa kaniyang sasakyan na. Dito na rin madalas magpahinga ang aktres pagkatapos ng kaniyang trabaho. Kompleto rin sa gamit ang kaniyang sasakyan na mistulang maliit na condo.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube

Maaari ka ritong humiga at matulog, kumain ng komportable, at ilagay ang iyong mga pangangailangan sa trabaho. Kung makikita mo nga ang loob ng kaniyang sasakyan ay masasabi mong maganda talaga na hindi mo inaakala na isa itong sasakyan.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube

Mayroon ding TV sa kaniyang van upang malibang siya habang siya ay may inaantay. May sound system din dito, mini make-up at hair dresser. May aparador din siya para sa kaniyang mga outfits. Sa likod naman ng kaniyang van nakalagay ang kaniyang oven at iba pang mga damit.




Leave a Reply

Your email address will not be published.