Ibinahagi ni Dianne Medina ang litrato ng kaniyang ina na kaniyang pinagmanahan ng artistahing kagandahan

Ang ating ina ay isa lamang sa mga tao na lubos nating hinahangaan. Maliban sa magagandang bagay na itinuro sa atin ng ating mga magulang ay hindi na din iba kung halos hawig natin sila nang lubusan.


Photo Courtesy: Dianne Medina | Instagram





Photo Courtesy: Dianne Medina | Instagram

Tulad din ng ating mga iniidolong mga artista na laging masayang nagbabahagi nang mga litrato ng kanilang mahal na ina sa social media. Dahilan kung kaya ang mga netizens ay nabibigla na lamang dahil sa laking pagkakahawig na tila kakambal nila ang kanilang mga magulang. Tulad na lamang ng isa sa mga kinikilalang aktres at hinahangaan nang nakakarami na si Dianne Medina.


Photo Courtesy: Dianne Medina | Instagram


Photo Courtesy: Dianne Medina | Instagram

Madalas na pinaghalong katangian ng ina at ama ang namamana ng isang bata. May pagkakataon din na sa iisang magulang lamang halos manahin ang katangian ng kanilang anak kung kaya mapagkakamalan mo na kakambal nila ang mga ito. Tulad na lamang ni Dianne Medina na nagbahagi nang litrato ng kanyang ina noong bata pa umano ito. Makikita sa litrato ang hindi maitangging pagkakahawig nila ng sobra sa isa’t-isa.


Photo Courtesy: Dianne Medina | Instagram




Sa post na ito mababasa ang nakakaantig na pagbati ng aktres sa kanyang pinakamamahal na ina na umantig sa puso ng mga tagasubaybay. Upang mas makita pa ang pagkakahawig ng aktres sa kanyang ina ay ginaya nito ang pose ng kanyang ina sa isang litrato.


Photo Courtesy: Dianne Medina | Instagram


Photo Courtesy: Dianne Medina | Instagram

Marami sa mga netizens ang natuwa sa nakita at nagsabi na ang laki ng kanyang pagkakahawig sa kanyang yumaong ina.
Maria Josefa “Vicky” Medina ang pangalan ng ina ni Dianne at para sa ating kaalaman ay naging kandidata ito noong sa Binibining Pilipinas 1973 na kung saan nakapasok siya sa Top 10. Maliban dito ay kilala din ang ina ni Dianne bilang isang Tv Commercial Model at Print Model.


Photo Courtesy: Dianne Medina | Instagram


Photo Courtesy: Dianne Medina | Instagram

Dahil sa post na ito ni Dianne na nagpaparamdam kung gaaano niya kamahal ang kanyang ina ay isang patunay na kahit wala na ang mahal natin sa buhay, nananatili ito habang buhay sa ating mga puso.




Leave a Reply

Your email address will not be published.