Kilalanin ang mga napakagandang mga artista na napakapangasawa ng mga napakayaman na Lalaki

Madami na tayong pag-iibigan na natunghayan sa mundo ng show business. Kahit na hindi natin abangan ay madalas natin marinig sa mga balita na nanggaling sa iba’t ibang source. Ilan nga sa ating mga narinig ay pag-iibigan ng dalawang kapwa personalidad sa show business.

Kadalasan nga sa mga magagandang artista na ating pinapanuod ay talaga tayo ay nahuhumaling sa kanila. Ang iba nga ay kahit hindi naman ganoon kagaling sa pag-arte ay nadadala ng kaniyang ganda at hubog ng katawan. Dahil nga sila ay mga sikat at madalas mapanuod sa telebisyon hindi malabo na maraming mayayaman, negosyante, o pulitiko ang sa kanila ay nahumaling at nanligaw na. Narito nga ang iilan sa mga artistang babae na may mayayamang nakarelasyon at napangasawa.


Photo Courtesy: Gretchen Barretto | Facebook





Photo Courtesy: Gretchen Barretto | Facebook

Una sa listahan ang aktres na si Gretchen Barreto na nagmula sa pamilya ng Barreto na magagaling at talentado. Katunayan niyan ay tatlo silang magkakapatid na talagang sumikat at nakilala sa industriya ng showbiz. Dahil sa angking ganda, karisma, at kutis porselana nito ay madami na itong napaibig na lalaki.

Ang kaniyang partner ngayon ay si Tony Boy Cojuangco sa mahabang panahon. Si Tony Boy ang galing sa pamilya ng mayayaman na negosyante, isa rin siyang big boss sa isang kilalang TV network. Siya lang naman ang dating Chairman ng Philippine Long Distance Telephone Company.


Photo Courtesy: Zsa Zsa Padilla | Instagram

Sunod nga na artista na nakapangasawa ng ubod ng yaman ay walang iba kung hindi si Zsa Zsa Padilla. Bago pa man magkatuluyan si Zsa Zsa at Comedy King Dolphy ay mayaman na si Zsa zsa dahil galing siya sa kilalang pamilya. Isa nga si Dolphy sa pinakamayaman at pinakamatagumpay na aktor sa mundo ng showbiz sa ating bansa.

Makalipas nga ang mahabang panahon matapos pumanaw ang Comedy King ng ating bansa ay muling nabihag ang puso ni Zsa Zsa ng isang matagumpay at mayamang arkitekto sa ating bansa. Ito ay si Conrad Onglao.


Photo Courtesy: Kaye Abad | Instagram

Sunod naman ay ang aktres na si Kaye Abad. Matagumpay din ang naging karera ng aktres sapagkat bata pa lamang siya ay kilala na siya sa mundo ng showbiz. Ngayon nga ay kasal siya kay Paul Jake Castillo na isa ring artista na galing sa pamilya ng mga negosyante.


Photo Courtesy: Niña Jose | Facebook




Si Niña Jose ang sunod sa mga aktres na nakapangasawa ng hindi basta-bastang mayaman na lalaki. Nakilala siya sa loob ng Bahay ni Kuya sa kapamilya channel. Matapos ng PBB ay nagkaroon din siya ng mga proyekto at pelikula. Ngayon ay asawa niya si Mr. Cezar Quiambao na Mayor sa isang bayan sa Pangasinan. Bilyonaryo si Mr. Quiambao na siyang CEO ng Stardom Corporation.


Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram


Photo Courtesy: Assunta De Rossi | Instagram

Isa rin sa nakapag-asawa ng mayaman na personalidad si Asunta De Rossi. Siya ay sumikat noong taong 90’s na siguradong kilala ng inyong mga lolo, tito, at tatay. Ang kaniyang napangasawa ay si Jules Carlos Ledesma IV na nagmula sa angkan ng mga Ledesma ng Negros Occidental. Negosyante si Mr. Ledesma at naging kongresista sa isang lugar sa Negros.


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Si Pauleen Luna ay isa ring masuwerteng artista na nakapag-asawa ng mayaman. Siya ang nakilala at sumikat sa Little Miss Philippines. Ngayon nga ay asawa siya ng sikat na si Bossing Vic Sotto. Kilalang kilala ang pamilya Sotto noon pa man mapa showbiz man o pulitika.


Photo Courtesy: Marian Rivera | Instagram

Ang huli sa ating usapin ay si Marian Rivera na masuwerte sa asawa. Hindi lang basta mayaman kung hindi napakaguwapo at matipuno rin. Sumikat si Marian dahil sa kaniyang galing sa pag-arte, pati na rin sa kaniyang taglay na kagandahan at hubog ng kaniyang katawan.

Si Dingdong Dantes naman ay isang personalidad sa show business na isang ring matagumpay ang naging karera. Galing din siya sa kilalang pamilya. Ang aktor ay isa ring producer at nagmamay-ari ng isang napakalaking penthouse sa Quezon City.




Leave a Reply

Your email address will not be published.