Ipinasilip ni Piolo Pascual ang kaniyang naipundar na bahay sa America

Ano man ang pinapangarap natin sa buhay kung may sipag at tiyaga, hindi malabong hindi natin marating at makamit ang mga bagay na ito. Sa kaniyang pagiging simpleng tao ay hindi mo aakalain na ang sikat at pinapantasyang aktor ng lahat na si Piolo Pascual ay may nabiling bahay sa America.


Photo Courtesy: Piolo Pascual | Instagram




Dahil sa dami ng proyektong kaniyang nagawa mula pa noon hanggang ngayon at isa siya sa mga mabentang leading man sa showbusiness ay hindi malabong makapag-invest siya sa mga bagay na naisin niya.


Photo Courtesy: Piolo Pascual | Instagram

Ang pagiging masinop at galing niya sa paghawak ng kaniyang kinikita mula sa kaniyang pinaghirapan ay nakapagpundar siya ng iba’t-ibang mga ari-arian hindi lamang dito sa Pilipinas ganoon na rin sa ibang bansa.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Isa sa kaniyang naipundar mula sa kaniyang kinitang pera ay ang neo-eclectic house na matatagpuan sa Las Vegas, Nevada. Ang nasabing bahay ay may lawak na 260 sq.m. na talaga namang swak na swak kay Piolo upang makapagrelax at pahinga sa kabila ng kaniyang nakakapagod na iskedyul sa showbiz. Ang bahay ay simple lamang at isa ang kaniyang kapatid na si Patricia sa nagdekorasyon nito.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang harap ng kanilang bahay ay walang gate tulad ng karamihang bahay sa America. Pagpasok mo naman, ay bubungad agad sayo ang off-white living room, kulay-kaki na mga upuan at kaakit-akit na disenyo ng tahanan.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Ang hapag-kainan ay mayroong six-seater dining table at ang lamesa ay salamin na tumugma naman sa kulay asul na pader nito at hindi mawawala ang chandelier. Ngunit bihira lang itong gamitin dahil ang buong pamilya ay madalas kumain sa kusina o sa round table. Maluwang at maaliwalas ang kusina at marami itong mga cabinet na yari sa kahoy.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Hindi naman mawawala ang entertainment area, na mayroong dalawang heart-shaped chairs na kulay pula at kulay itim na sofa. Ang silid-tulugan naman ay mayroong queen-sized bed at yari sa balat na recliner na mayroong foot massager at sariling banyo.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Mayroon ding patio na makikita malapit sa swimming pool na kung saan ay walang pader upang malayang makapasok ang hangin. Ang outdoor area naman ay may roong bear-shaped swimming pool na talaga namang sumakop sa halos lahat ng espasyo sa likod-bahay.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ayon sa aktor, hindi nila agad napansin ang hugis ng pool. Napansin niya na lamang ito ng minsang nakatingin siya sa ibaba mula sa kaniyang kwarto.




Leave a Reply

Your email address will not be published.